Fake Quotes

[WATCH] ‘Yung Totoo?: 5 fact check tungkol sa mga pekeng pahayag ng papuri kay Duterte

[WATCH] ‘Yung Totoo?: 5 fact check tungkol sa mga pekeng pahayag ng papuri kay Duterte
Totoo bang pinuri si Duterte nitong mga kilalang personalidad? I-fact-check natin!

Maraming kaduda-dudang pahayag ang kumakalat sa social media, kung saan ay pinupuri diumano ng mga kilalang tao si Pangulong Rodrigo Duterte.

Marami sa mga pahayag na ito ay gawa-gawa lang, pero marami pa rin ang naniniwala sa mga ito. Minsan nga, kathang isip lang pala ang mga personalidad na nagpahayag daw ng mga papuring ito.

Suriin at i-fact-check natin ang ilan sa mga ito.

Una, pinuri raw ni Queen Elizabeth II si Pangulong Duterte. Tinawag pa raw niya na pinakamasamang mamamayan ang mga Filipino. Totoo ba ito? Hindi.

Pangalawa, pinuri rin daw ng hari at reyna ng Sweden si Duterte dahil sa kanyang pagtugon sa COVID-19, sa war on drugs, at sa Marawi siege noong 2017. Hindi rin totoo ito.

Pangatlo, pinuri rin daw ni Princess Beatrice ng Britanya si Pangulong Duterte dahil sa kanyang pagtugon sa COVID-19. Hindi rin totoo ito.

Pang-apat, hinangad daw ni Brock Lesnar, ang diumano’y Mayor ng Suplex City, na baguhin ang kanyang lungsod tulad ng ginawa ni Duterte sa Davao. ’Yung totoo?

At panlima, hinangaan daw ng Spain Medical Doctors Association ang mga pagtugon ni Duterte sa COVID-19 pandemic. Ano ’yung totoo?

Mga kaibigan, lima lamang ito sa mga pekeng pahayag na kumalat sa social media.

May nakita ka bang kahina-hinalang mga pahayag? Magpadala ng link at screenshot nito sa factcheck@rappler.com. – Rappler.com

Panoorin ang iba pang fact check videos: