[PANOORIN] Marcos at Duterte: Paano sila magkatulad?

Simula nang manungkulan si Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016, hindi maiwasang ikumpara siya sa pinatalsik na diktador na si Ferdinand Marcos dahil sa kamay na bakal na pamamalakad.

Mula sa kanyang kontrobersyal na giyera kontra droga hanggang sa mga pag-atake niya sa kanyang mga kritiko, maraming pagkakatulad si Duterte kay Marcos.

Hindi ito nakakagulat. Noong 2017, tinawag ni Duterte si Marcos na ‘bayani’.

Sa kabila ng sistematikong paglabag ni Marcos sa karapatang pantao at pang-aabuso ng kapangyarihan, nailibing siya sa Libingan ng mga Bayani sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Pero hindi lang doon ang pagkakapareho ni Duterte at Marcos.

Alamin sa maikling dokumentaryong ito – paano tila pinagbiyak na bunga si Marcos at Duterte – sa pagtrato nila sa midya at sa pagpabor sa mga kaibigang negosyante.

Ngayong ika-49 anibersaryo ng Martial Law, sariwain natin ang mapapait na alaala ng batas militar ni Marcos.

Sa harap ng mga patayan, panlilinlang, at korupsiyon sa ilalim ng administrasyong Duterte ngayon – dapat nating itanong sa ating sarili – bakit hindi tayo natuto? – Rappler.com