Duterte Fact Checks

[WATCH] ’Yung Totoo?: 5 maling istorya tungkol sa EJK sa Pilipinas

[WATCH] ’Yung Totoo?: 5 maling istorya tungkol sa EJK sa Pilipinas
Mula nang mahalal na pangulo ng Pilipinas si Rodrigo Duterte noong 2016, naging mas malaking usapin ang mga extrajudicial killing sa bansa

Dahil kontrobersyal ang extrajudicial killings (EJKs) sa Pilipinas, malamang ay may nakita ka nang disinformation tungkol dito na nagkalat sa social media.

Ang EJK ay ang pagpatay ng mga awtoridad sa isang suspek o akusado nang walang pahintulot ng batas. Kadalasang napag-uusapan ang EJK kaugnay ng kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa ilegal na droga.

Suriin at i-fact-check natin ang 5 sa mga pekeng istorya tungkol sa EJK sa Pilipinas.

Una, sinusuportahan daw ng United Nations ang war on drugs ni Duterte. Ipinahiya pa nga raw ng international na organisasyon sina Senador Kiko Pangilinan at Risa Hontiveros dahil sinabi nilang ang EJK sa Pilipinas ay bunga ng war on drugs. Bes, hindi ito totoo.

Pangalawa, hindi lang daw sinuportahan ng UN ang war on drugs ni Duterte, dinepensahan pa raw ito ni UN Secretary-General Antonio Guterres. Ano ’yung totoo?

Pangatlo, sinabi raw ng UN Human Rights Council na walang EJK sa Pilipinas? Naku, hindi rin ito totoo!

Pang-apat, hindi lang daw UN ang nagtangging may EJK sa Pilipinas. Ang sabi-sabi, 95 na bansa ang naniniwalang walang EJK sa Pilipinas. ’Yung totoo? Hindi nangyari ito!

Panlima, sinabi raw ng Commission on Human Rights o CHR na walang kinalaman si Pangulong Duterte sa napabalitang Davao Death Squad. Hindi nga? Wala rin itong katotohanan.

May nakita ka bang kaduda-dudang impormasyon tungkol sa EJK sa Pilipinas? Magpadala ng link at screenshot nito sa factcheck@rappler.com. – Rappler.com