Misinformation in chatrooms

[WATCH] ’Yung Totoo? 5 tsismis na kumalat sa text, Viber, o FB Messenger

[WATCH] ’Yung Totoo? 5 tsismis na kumalat sa text, Viber, o FB Messenger
Mapagkakatiwalaan ba ang mga tsimis sa text, Viber, o Facebook Messenger na 'forwarded by a friend?' Paano mo malalaman kung ano ’yung totoo?

Nagpapadala ba ng mga balita sa text, Facebook, o Viber ang mga kamag-anak o kaibigan mo? Madalas, “forwarded” lang din daw ito sa kanila ng kung sino-sino. Pero, siyempre, dahil ipinasa nila ito sa iyo, mapagkakatiwalaan mo na rin ito, di ba?

Ayyy, mag-ingat ka, bes! Hindi dahil galing sa kilala mo ay totoo na kaagad ang balitang ’yan.

Ano ’yung totoo? I-fact check natin ang limang pekeng istorya na kumalat sa text, Viber, o Facebook Messenger.

Una, nagagamot daw ang COVID-19 sa pamamagitan ng pag-inom ng aspirin na inihalo sa mainit na katas ng lemon. Ayon daw ito sa isang doktor sa Makati Medical Center. ’Yung totoo?

Pangalawa, magigiba raw ang SM Mall of Asia dahil nasira ang pundasyon nito. Sinasabing pumapasok na sa ilalim ng SM MOA ang tubig galing sa Manila Bay. Talaga ba? ’Yung totoo?

Pangatlo, gumagawa raw si Bill Gates, ang co-founder ng Microsoft, ng bakuna laban sa COVID-19 na mayroong microchip. Nakakatakot naman! Totoo ba?

Pang-apat, humingi raw ng tawad ang dating Anakpawis party-list representative na si Ariel Casilao sa mga nakatira sa Norzagaray, Bulacan. Inamin daw niyang hinikayat niya ang mga ito na mag-aklas laban sa gobyerno. ’Di nga? ’Yung totoo?

At pang-lima, kumakalat sa text, Facebook Messenger, at Viber na magkakaroon ng panibagong lockdown o enhanced community quarantine sa iba’t ibang petsa at iba’t ibang lugar. ’Yung totoo?

Ayan, besh, limang fact check na nagpapatunay na hindi lahat ng balita na ipinapasa sa text o chat ay totoo!

May nagpadala ba sa ’yo ng kaduda-dudang mensahe sa text, Facebook Messenger, Viber, at iba pang messaging app? Magpadala ng screenshot nito sa factcheck@rappler.com! – Rappler.com