Fact checks on public officials

[WATCH] ‘Yung Totoo?: 5 fact check tungkol sa Manila Bay

[WATCH] ‘Yung Totoo?: 5 fact check tungkol sa Manila Bay
Dumami ang sabi-sabi tungkol sa Manila Bay nang pumutok ang balitang nilagyan ng dolomite sand ang Manila Baywalk

Kailan ba talaga kinuha ang mga litratong ito ng Manila Bay na kumakalat sa social media? Sinabi ba talaga ni Manila Mayor Isko Moreno ang mga pahayag na ito?

Suriin natin at i-fact-check ang 5 sabi-sabi tungkol sa Manila Bay matapos ang balitang nilagyan ng dolomite sand ang Manila Baywalk.

Una, sabi nila litrato raw ito ng maruming Manila Bay nung nakaraang 30 taon bago maupo bilang presidente si Pangulong Rodrigo Duterte. Ikinukumpara ito sa kasalukuyang larawan kung saan malinis na ang Manila Bay. Ano ‘yung totoo?

Pangalawa, litrato rin daw ito ng maruming Manila Bay noong panahon ni dating presidenteng Noynoy Aquino. ‘Yung totoo?

Pangatlo, heto pa ang isa na namang litratong kumakalat. Litrato naman daw ito ng “new Manila Bay.” Ganda, ‘di ba? Pero totoo ba? Hindi!

Pang-apat, sabi sa social media sinabi raw ni Mayor Isko Moreno na hindi napaganda ng nakaraang administrasyon ang Manila Bay bagamat malaki ang budget nito. ‘Yung totoo?

At panlima, totoo bang binara ni Moreno si Bishop Broderick Pabillo dahil gusto nitong ipatigil ang Manila Bay white sand project? Hindi rin!

May nakita ka bang kaduda-dudang impormasyon tungkol sa Manila Bay? Magpadala ng link at screenshot nito sa factcheck@rappler.com – Rappler.com