Fact check - gov't services/laws

[WATCH] ’Yung Totoo?: 5 fact check tungkol sa mga pampublikong proyekto

[WATCH] ’Yung Totoo?: 5 fact check tungkol sa mga pampublikong proyekto
Totoo ba itong mga pahayag at larawan tungkol sa mga pampublikong proyekto ng nakaraan at kasalukuyang administrasyon?

Sa social media, madalas kumalat ang mga post tungkol sa mga pampublikong proyekto ng nakaraan at kasalukuyang administrasyon.

Pinaghahambing nila ang mga piling proyekto, ipinagmamalaki kung alin ang mas magaling, pero panloloko lang ang iba rito. Gumagamit sila ng mga maling pahayag o mga larawang iba ang konteksto.

I-fact-check natin ang ilan sa mga ito.

Una, ipinapakita raw ng larawang ito ang isang footbridge na hindi natapos noong termino ni dating pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III. ’Yung totoo?

Pangalawa, maaaring nakita ’nyo rin itong diumano’y mga larawan ng Metro Cebu Expressway project na hindi pa tapos hanggang ngayon. Ngunit ano ang totoo?

Pangatlo, nagtayo raw ng dalawang daang international at domestic airport si Pangulong Rodrigo Duterte. Hindi ito totoo.

Pang-apat, may mga kumalat din na mapanlinlang na post ng diumano’y larawan ng pabahay sa ilalim ng “Marawi rehabilitation project.” Hindi rin ito totoo.

At panlima, larawan daw ito ng bagong paliparan sa Metro Manila, na daig pa ang Ninoy Aquino International Airport. Ano ’yung totoo?

May nakita ka bang ibang kahina-hinalang mga post tungkol sa mga pampublikong proyekto? Magpadala ng link at screenshot nito sa factcheck@rappler.com. – Rappler.com