Fact Checks about critics

[WATCH] ’Yung Totoo?: 5 panlolokong may kinalaman sa red-tagging

[WATCH] ’Yung Totoo?: 5 panlolokong may kinalaman sa red-tagging
Mapanganib ang red-tagging dahil maaari itong gawin ng mga may kapangyarihan para usigin at pahirapan ang sinuman nang walang sapat na basehan

Narinig mo na ba ang tsismis na si ganito o ganiyan ay komunista raw? 

Ayon sa Korte Suprema, ang red-tagging ay istratehiya ng mga nasa kapangyarihan na bansagang kaliwa, komunista, subersibo, o terorista ang sinomang itinuturing nilang “banta” o “kalaban ng estado.” Sabi rin ng International Peace Observers Network, maaaring humantong ang red-tagging sa ilegal na pag-aresto, torture, paglaho, o pagpatay sa tinarget na tao.

Umigting ang mga panganib na ito sa ilalim ng anti-terrorism law na pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Hulyo 2020.

I-fact-check natin ang 5 sa mga sabi-sabing may kinalaman sa red-tagging na kumalat sa social media.

Una, sinabi ni Presidential Communications Undersecretary Lorraine Badoy na gawa-gawa lang daw ng Communist Party of the Philippines, New People’s Army, at National Democratic Front o CPP-NPA-NDF ang salitang “red-tagging.” Pero totoo ba ito? Hindi!

Pangalawa, inilabas ng Armed Forces of the Philippines Information Exchange ang listahan na nagpangalan sa 27 na miyembro ng NPA na napatay o nadakip habang estudyante pa sila sa University of the Philippines. Teka, hindi rin totoo ito!

Pangatlo, kumalat ang mga tsismis na si Vice President Leni Robredo raw ay miyembro ng CPP-NPA-NDF. Sabi ng mga nagpakalat nito, pinasalamatan pa raw ni Robredo ang mga sumusuporta sa mga grupong ito. Ano ’yung totoo?

Pang-apat, kumalat din ang kuwentong si Senador Risa Hontiveros ay miyembro rin daw ng CPP-NPA. Sinabi pa nilang kasapi rin siya ng mga grupong Anakbayan at Gabriela. Weh? Hindi ’yan totoo!

At, panlima, ang litrato raw na ito ng mga estudyanteng may hawak na baril ay patunay na itinuturo sa Alternative Learning Center for Agricultural and Livelihood Development o Alcadev ang pagiging NPA. Hala, totoo ba ito? Hindi!

Lima lang ’yan sa mga kumalat na tsismis at panloloko na may kinalaman sa red-tagging. May nakita ka bang kaduda-dudang post tungkol sa red-tagging sa Pilipinas? Magpadala ng link at screenshot nito sa factcheck@rappler.com. – Rappler.com