COVID-19 Fact Checks

[WATCH] ’Yung Totoo?: 5 pekeng sabi-sabi tungkol sa mga lockdown

[WATCH] ’Yung Totoo?: 5 pekeng sabi-sabi tungkol sa mga lockdown
I-fact-check natin ang mga kumalat na maling sabi-sabi tungkol sa mga lockdown laban sa COVID-19

Mahigit isang taon na ang nakalipas mula noong unang isinailalim ang ilang bahagi ng Pilipinas sa enhanced community quarantine, ang pinakamahigpit na antas ng lockdown, para mapigilan ang paglaganap ng coronavirus.

Mula noon, marami nang kumalat na kaduda-dudang mga post sa social media tungkol sa iba’t ibang uri ng lockdown.

I-fact-check natin ang mga ganitong sabi-sabi!

Una, may kumalat noong Disyembre 2020 na isasailalim sa enhanced community quarantine ang buong bansa mula Disyembre 23, 2020, hanggang Enero 3, 2021. ’Yung totoo?

Pangalawa, kumalat naman ang sabi-sabi na isasailalim sa modified enhanced community quarantine ang Metro Manila mula Disyembre 19, 2020. Totoo ba?

Pangatlo, binaliktad daw ng World Health Organization ang paninindigan nito tungkol sa pagpapatupad ng lockdown upang labanan ang pagkalat ng COVID-19. ’Di nga? Totoo ba ito?

Pang-apat, si Pangulong Rodrigo Duterte mismo ang nagsabing Pilipinas daw ang nagpasimula ng lockdown sa buong Asya. Totoo ba ito? Hindi!

At, panlima, naglabas daw ng protocol ang WHO kung gaano katagal dapat ang mga lockdown upang mapigil ang coronavirus. Kaibigan, walang ganito.

Kaya, kaibigan, mag-ingat sa mga ganitong sabi-sabi, lalo na’t patuloy ang pagpapatupad ng quarantine restrictions sa Pilipinas.

May nakita ka bang kaduda-dudang post katulad ng mga ito? Magpadala ng link at screenshot nito sa factcheck@rappler.com! – Rappler.com