Election fact checks

[WATCH] ’Yung Totoo?: 5 pekeng pahayag tungkol sa eleksiyon 2022

[WATCH] ’Yung Totoo?: 5 pekeng pahayag tungkol sa  eleksiyon 2022
Nag-anunsiyo na raw sina Sara Duterte at Lucy Torres-Gomez na tatakbo sila sa 2022 Philippine elections? Sinusuportahan daw ng Comelec ang ‘Run Sara Run’ campaign? ’Yung totoo?

Dahil malapit na ang 2022, nagkalat na sa social media ang mga sabi-sabi tungkol sa eleksiyon. 

Ayon sa mga pekeng balitang ito, nag-anunsiyo na raw ang ilang politiko at artista na kakandidato sila. Dahil sa mga tsismis na ito, may mga netizen nang nagpapahayag ng kanilang suporta, habang nakikita naman ng iba na taktikang politikal ito para palakasin ang kandidatura ng ilan. 

I-fact-check natin ang ilan sa mga sabi-sabing ito.

Una, may mga tsismis na nagdeklara na raw ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio nitong Enero 2021 na kakandidato siya sa pagkapangulo sa halalan sa 2022. ’Yung totoo? 

Pangalawa, sinusuportahan daw ng tagapagsalita ng Commission on Elections na si James Jimenez ang “Run Sara Run” campaign. Ano ’yung totoo?

Pangatlo, kumalat ang video na ini-upload noong Pebrero 2 na kinumpirma na raw ni Leyte 4th District Representative Lucy Torres-Gomez ang kanyang pagtakbo sa pagkasenador sa eleksiyon sa 2022. Totoo ba ito?

Pang-apat, kumalat din ang mga tsismis na sinabi raw ni Kris Aquino na mapipiltan siyang kumandidato sa pagkapangulo kung tatakbong pangulo ang sinomang Marcos. 

At, panglima, ayon sa isang kumalat na video, ipinag-utos daw ni Presidente Duterte noong Pebrero 28, 2021, na huwag nang sa Smartmatic kumuha ng vote-counting machines ang bansa.

Mga kaibigan, lima lamang ito sa mga maling impormasyon tungkol sa eleksiyon. May nakita ka bang kahina-hinalang post sa social media? Ipadala ang screenshot at link nito sa factcheck@rappler.com! – Rappler.com