PANOORIN: Mga dapat tandaan tuwing may bagyo

Taon-taong hinahambalos ng mga malalakas na bagyo ang Pilipinas. Katunayan, humigit-kumulang 20 na bagyo ang dumadaan sa bansa kada taon. Kalahati sa mga ito ang tumatama sa lupa o nagla-landfall.

Malakas na hangin at ulan ang dala ng bagyo. Nagdudulot ito ng matinding pagbaha, landslide, daluyong o storm surge, at pagkasira ng mga ari-arian. Libo-libong mga Pilipino rin ang apektado.

Mahalagang handa ang bawat pamilya bago pa man tumama ang bagyo sa kanilang lugar para maiwasan ang sakuna o kapahamakan. 

Ano-ano ang mga dapat tandaan tuwing may bagyo? Panoorin ang video na ito. – Rappler.com