COVID-19 Fact Checks

[WATCH] 5 larawang mali ang konteksto kaugnay ng COVID-19 | ’Yung Totoo?

[WATCH] 5 larawang mali ang konteksto kaugnay ng COVID-19 | ’Yung Totoo?
Ano ang totoong konteksto ng mga larawang ito na ginagamit sa mga sabi-sabi tungkol sa COVID-19? I-fact-check natin!

Simula nang magkapandemya, kumalat ang mga imaheng mali ang konteksto, kaya’t nalilinlang ang mga tao tungkol sa epekto ng COVID-19 at kung paano ito tinutugunan ng mga opisyal.

I-fact-check natin ang 5 sa mga sabi-sabing ito.

Una, makikita raw sa isang larawan na kinakain ng COVID-19 “vaccine patients” ang ibang mga pasyente. Totoo ba ito? Hindi.

Pangalawa, nagpadala raw ang Japan ng medical team na may 1,000 katao para tumulong sa Wuhan, China. Ano ’yung totoo?

Pangatlo, nagpakawala raw ng 800 na tigre at 500 na leon si Russian President Vladimir Putin para matakot ang mga tao na lumabas sa kani-kanilang bahay. ’Yung totoo?

Pang-apat, kumalat ang imahen raw ng mga pasyente ng COVID-19 na nasa mga kalye sa Italy dahil umano’y wala nang espasyo sa mga ospital. Totoo ba ito? Hindi.

At, panlima, sa imahen daw na ito, nililibot ni President Rodrigo Duterte at Senator Bong Go ang bansa sa panahon ng pandemya. ’Yung totoo?

Mga kaibigan, 5 lamang ito sa mga larawan na ginamit sa maling konteksto kaya’t nalinlang ang mga tao tungkol sa COVID-19.

May nakikita ka bang iba pang kahina-hinalang post katulad ng mga ito? Magpadala ng links at screenshots ng mga ito sa factcheck@rappler.com. – Rappler.com