Ferdinand Marcos Jr.

WATCH: Mga fact check kay Marcos Jr. sa kanyang unang 100 araw

Rappler.com
WATCH: Mga fact check kay Marcos Jr. sa kanyang unang 100 araw
I-fact-check natin ang 4 na mga sabi-sabi ni Ferdinand Marcos Jr. sa kaniyang unang 100 araw bilang pangulo

MANILA, Philippines – Sa unang sangdaang araw ni Ferdinand Marcos Jr. bilang pangulo ay may ilang beses siyang nagsinungaling o nagpakalat ng mapanlinlang na impormasyon.

Balikan natin ang mga ito. Alamin ang totoo!

Una, hindi raw nakasagot ang pamilyang Marcos sa kaso ng estate tax na isinampa laban sa kanila dahil nasa Amerika pa raw sila noong ihinain ito. HINDI ITO TOTOO.

Pangalawa, sa administrasyon daw ni dating pangulong Ferdinand E. Marcos lamang nakamit ng Pilipinas ang pagiging self-sufficient sa suplay ng pagkain. HINDI ITO TOTOO.

Pangatlo, kinakailangan pa raw maimbento ang mga sustainable fossil-free na teknolohiya. HINDI ITO TOTOO.

At pang-apat, kung wala nang maayos na hudikatura ang isang bansa ay saka lamang dapat kumilos ang International Criminal Court (ICC). KULANG ITO SA KONTEKSTO.

Mahalagang pakinggan at suriin ang sinasabi ng ating mga inihalal na opisyal dahil maaari itong maging polisiya at makakaapekto sa ating pamumuhay.

Maging alerto sa pakikinig, at tandaan na karapatan mong malaman ang totoo mula sa iyong gobyerno. – Loreben Tuquero and Ailla dela Cruz/Rappler.com