Fact checks on public officials

[WATCH] ‘Yung Totoo?: 5 fact check tungkol sa ‘panahon ng bastos’ at ‘panahon ng disente’

[WATCH] ‘Yung Totoo?: 5 fact check tungkol sa ‘panahon ng bastos’ at ‘panahon ng disente’
I-fact check natin ang ilang mga sabi-sabing ikinukumpara ang mga administrasyon nina Pangulong Rodrigo Duterte at dating pangulong Noynoy Aquino

Mula nang mabanggit ng aktres na si Sharon Cuneta noong Hunyo na sana raw ay manalong presidente si Bise Presidente Leni Robredo sa susunod na eleksyon, naglitawan sa social media ang sari-saring pagkukumpara sa mga proyekto nina Pangulong Duterte at dating Pangulong Noynoy Aquino – isang kaalyado ni Robredo.

Bagamat hindi naman tinawag ng aktres na “panahon ng bastos” ang termino ni Duterte, o “panahon ng disente” ang termino ni Aquino, pinagkumpara pa rin ang dalawa sa mga post sa social media.

Suriin at i-fact check natin ang 5 sa mga maling paghahambing sa dalawang administrasyong ito.

Una, sa panahon ni Duterte lang daw naging malinis ang Pasig River, samantalang napakarumi raw nito noong panahon ni Aquino. Totoo ba ito? Hindi!

Panagalawa, makikita rin daw sa mga litrato sa social media na marumi ang Boracay sa panahon ng disente, at nalinis lamang ito sa panahon ng bastos. Ano ‘yung totoo?

Pangatlo, ang mga pabahay daw ni Duterte ay ‘di hamak na mas malaki, maganda, at makabago kumpara sa mga proyekto ni Aquino. Totoo ba ito?

Pang-apat, napaganda at naisaayos daw ni Duterte ang “San Benedicto Bridge” sa “Surigao,” mula sa sira-sirang kondisyon nito noong termino ni Aquino? Hindi rin ito totoo.

At panlima, may mga litrato raw na nagpapakitang mas maganda ang kalagayan ni dating pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa panahon ni Duterte. ‘Yung Totoo?

May nakita ka bang kahina-hinalang post sa social media? Ipadala ang screenshot at link nito sa factcheck@rappler.com! – Rappler.com

Panoorin ang iba pang fact check videos: