PANOORIN: Bakit kahina-hinala ang pagkakuha ng Pharmally ng mga kontrata sa pandemya?

Nitong Setyembre 2021, halos walang tigil ang blue ribbon committee ng Senado sa pag-iimbestiga sa Pharmally Pharmaceutical Corporation kaugnay ng posibleng katiwalian sa gitna ng krisis.

Bagong kompanya lang ang Pharmally, ngunit nakopo nito ang pinakamalalaking kontrata ng pamahalaan sa pagsusuplay ng gamit para sa pagtugon sa pandemyang COVID-19.

Natuklasan ding may koneksiyon ang Pharmally kay Michael Yang, kaibigan at dating tagapayo ni Pangulong Rodrigo Duterte. (BASAHIN: Biggest pandemic supplier has links to ex-Duterte adviser Michael Yang)

Ano-ano pa ang mga red flag na nahanap sa pag-iimbestiga ng Senado sa Pharmally? Panoorin ang explainer na ito. – Rappler.com

Written and narrated by Michelle Abad
Edited by Quita Chuatico
Graphics by Janina Malinis, David Castuciano
Produced by Nick Villavecer
Supervision by Beth Frondoso