[PODCAST] Ang mga isyung hinarap ni Duterte sa 2019

Jodesz Gavilan

This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.

[PODCAST] Ang mga isyung hinarap ni Duterte sa 2019
Paano tinugunan ni Pangulong Duterte ang mga kontrobersiyang hinarap ng kanyang administrasyon noong 2019?

Subscribe to Rappler podcasts on iTunes and Spotify

MANILA, Philippines – Malaki ang 2019 para sa administrasyon ni Presidente Rodrigo Duterte. Ito ang kalagitnaan ng kanyang termino. 

Ngunit tulad ng mga nakaraang taon, hindi naging ligtas ang nakalipas na 12 buwan sa ilalim ni Duterte sa mga kontrobersiya at isyung patungkol sa napakaraming bagay. Kasama dito ang isyu sa Bureau of Corrections at si Nicanor Faeldon, ang ninja cops, at si Oscar Albayalde, at ang walang humpay na kampanya laban sa ilegal na droga.

May mga ugong-ugong tungkol sa kalusugan ng Presidente, lalo na sa maraming beses nitong pagliban sa mga opisyal na kaganapan sa loob at labas ng Pilipinas. 

Sa podcast na ito, ilalatag nila Malacañang reporter Pia Ranada at researcher-writer Jodesz Gavilan ang pinakamalaking isyung hinarap ni Duterte, kung paano niya tinugunan dito, at kung ano ang mga kontrobersiyang susunod sa kanya sa mga susunod pang taon. 

Ano ang dapat nating abangan mula sa Presidente lalo na’t palapit na ang eleksyon sa 2022? 

Ang Newsbreak: Beyond the Stories ay isang podcast series ng Rappler tungkol sa mahahalaga at malalaking isyu sa Pilipinas. – Rappler.com

Pakinggan ang iba pang episodes ng Newsbreak: Beyond the Stories:

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.

Summarize this article with AI

How does this make you feel?

Loading
Download the Rappler App!
Natsu Ando

author

Jodesz Gavilan

Jodesz Gavilan is a writer and researcher for Rappler and its investigative arm, Newsbreak. She covers human rights and impunity beats, producing in-depth and investigative reports particularly on the quest for justice of victims of former president Rodrigo Duterte’s war on drugs and war on dissent.