Kwentong kampeon: Ang ginintuang buhat ni Hidilyn Diaz

Hindi naging madali ang dinanas ni Hidilyn Diaz bago siya nakagawa ng kasaysayan para sa Pilipinas.

Simula pagkabata, hindi mabilang na hamon sa buhay at sa weightlifting ang kinailangang lagpasan ni Diaz para matamo ang tinatamasang gintong medalya sa Olympics.

May mga pagkakataong naisipan ni Diaz na sumuko na lamang, ngunit ang mga pagsubok na ito ang humubog sa kaniya patungo sa pagiging kauna-unahang Filipino Olympic champion. ā€“ Delfin Dioquino/Rappler.com