#UnsentLetters: Ang Sakit Mong Mahalin

Rappler.com

This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.

#UnsentLetters: Ang Sakit Mong Mahalin
'Tangina ka. Nababaliw na ako. Ang sakit mong mahalin'

Unsent Letters is a newsletter curated by Shakira Sison featuring unspoken sentiments gathered from reader submissions. It features unsent letters to real and imagined lovers. 

Ngayon ko lang naramdaman sa buong tanang ng buhay ko ‘yung pagkamiss sa isang tao na nakakasira ng bait. Tangina ka. Nababaliw na ako. Ang sakit mong mahalin. Ang sakit mong mamiss.

Ang dami kong gustong sabihin at itanong sa’yo para maramdaman mo naman kahit kaunti lang ‘tong sakit na nararamdaman ko. Pero alam ko na if ever mabigyan ako ng chance at lakas ng loob na gawin ‘yung, ang gagawin ko lang ay yakapin ka nang sobrang higpit at sabihin sa’yong miss na miss na kita at mahal pa rin kita. Mahal na mahal.

Gusto kong maging masaya ka, pero kaninang 11:11 biglang sumagi sa isip kong magwish ng “sana magbreak na kayo.” Ang selfish ‘di ba? Parang ikaw. Ang selfish mo. Hindi mo man lang nilinaw sa akin lahat bago ka nang-iwan at nagkaroon agad ng iba.

Tapos kaninang 1:43 naman, naalala ko noong una kang nagsabi ng “I love you” sa akin, mga 3 minutes akong nakatulala nun at walang masabi, sabi ko lang “I love myself too” kahit na sasabog na nung mga panahong yun ‘yung puso ko sa sobrang pagmamahal at saya na nararamdaman ko dahil sa’yo. Tapos tumawa lang tayo at sabi mo “paasa ka talaga.” Sino ngayong ang paasa at pafall? Ikaw. At ako naman ang umasa at nafall.

Sabi mo pa noon sa akin na tutulungan mo akong magmove-on kahit na nakamove on naman na ako nun at unti-unti na akong nahuhulog sa’yo. Sinabi mo na sa akin ka lang, at sa’yo lang ako. Pero ngayon makikita ko ‘yung napakacorny niyong 11:11 wishes ng bagong babae sa buhay mo sa Twitter. 11:11, sana talaga maghiwalay na kayo very soon at bumalik ka na sa akin.

Hindi, joke lang. Sana maging masaya ka, at sana ‘wag mo siyang saktan tulad ng ginawa mo sa akin, sana maging masaya kayong dalawa. Sana mapasaya ka niya sa paraang dapat sana gagawin ko kung naging tayo na lang. Sana hindi ka niya saktan.

Makakamove-on rin naman ako. Pero sigurado akong matagal pa. Alam kong matagal pa, sobrang tindi pa rin ng nararamdaman ko para sa’yo eh. Araw araw kitang namimiss, bawat oras at bawat minuto. Masakit. Sobrang sakit, pero kakayanin. Makakamove on din ako. Kakayanin ko ring sabihin sa’yo na sana maging masaya ka na, ‘yung walang kasunod sa isip ko na “pero sana talaga ako na lang at sa akin ka na lang masaya.” I swear, darating din ako diyan.

Hindi ko kayang maging bitter sa’yo, hindi kita kayang sendan ng sobrang habang message na nagsasabi ng lahat ng gusto kong sabihin at nagtatanong ng lahat ng mga gusto kong itanong. Ni hindi kita kayang saktan sa ganoong paraan, kaya sasarilihin ko na lang at dito na lang ilalabas lahat ng nararamdaman ko sa Unsent Letters. Ito lang din naman ang alam at kaya kong paraan para mabawasan ‘tong nararamdaman ko, ang isulat lahat. Ni hindi ko magawang magkwento sa bestfriend ko kasi sobrang pathetic na ng tingin ko sa sarili ko. Pero wala eh, sobra lang talaga kitang mahal pa at grabeng namimiss.

Sana masaya ka. Sana masaya kayo. At sana maging masaya na rin ako.  – Rappler.com

Do you have your own Unsent Letter? Send them to unsentletters@rappler.com. Selected letters will be anonymized and edited for clarity and brevity. By submitting to Unsent Letters, you represent that the work is your own and that you waive your rights to it for present and future publication. 

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.

Summarize this article with AI

How does this make you feel?

Loading
Download the Rappler App!