VIDEO: Tricia Robredo on her dad, Jesse

Rappler.com

This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.

Patricia "Tricia" Robredo shared insights about being a daughter of the late Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo in a speech delivered mostly in Bicolano language

Tricia Robredo delivers speech at the necrological service for her dad, Jesse Robredo, on August 26, 2012

NAGA CITY, Philippines – Patricia “Tricia” Robredo shared insights about being a daughter of the late Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo in a speech delivered mostly in Bicolano language.  

During the necrological service for Sec. Robredo at the Naga City Hall on Sunday, August 26, Tricia spoke about how the late public official loved to surprise his wife, prayed for his daughters during school exams, scouted for university basketball tickets for the eldest daughter, conducted a marriage ceremony even when he was sick, among others.     

“Naging marhay asin matibay si Papa, dahil tatao siya magpadangat (Naging mabuti at matibay si Papa dahil marunong siya magmahal).”

Below is the translation of some parts of Tricia’s speech:

Robredo’s daughter: ‘Naging mabuti si Papa dahil marunong siyang magmahal’

Storified by Rappler · Sun, Aug 26 2012 09:14:53

#SalamatJesse Now speaking: Tricia Robredo, daughter.Rappler
#SalamatJesse Tricia Robredo: Sa pamilya namin, ako ang pinakamadrama; Tinext ko si Papa, kung feeling mo iiyak na ako, kilitiin mo ako.Rappler
#SalamatJesse Tricia Robredo: Di namin puwede ipakita na mahina ang loob namin.Rappler
#SalamatJesse Tricia Robredo: Ate Aika answered questions about Papa even if it was difficult.Rappler
#SalamatJesse Tricia Robredo: Jillian’s Q to mom Leni: Ilang taon si Kris Aquino noong namatay si Ninoy? She said she could be next Kris.Rappler
#SalamatJesse Tricia Robredo: Siguro ngayon tinatawanan ako ni Sec Jess. Di pa siya nagpaparamdam… pero parang may gusto siyang sabihin.Rappler
#SalamatJesse Tricia Robredo: Binibiro ko si Papa, mas marami akong nakausap last week kaysa sa isang buong taon.Rappler
#SalamatJesse Tricia Robredo: Maraming kuwento tungkol kay Papa: Mabuting opisyal, kaibigan, anak, ama.Rappler
#SalamatJesse Tricia Robredo: Naging mabuti si Papa dahil marunong siyang magmahal.Rappler
#SalamatJesse Tricia Robredo says her mom won’t tell entire story why she chose Jesse over her other suitors.Rappler
#SalamatJesse Tricia Robredo: “Padangaton niyang marhay si Mama (Mahal na mahal niya si Mama). Maski birthday niya inaalay niya kay Mama.”Rappler
#SalamatJesse Tricia: Minsan sinusuntok ko tiyan niya kapag galit na galit ako, OK lang sa kanya.Rappler
Tricia jokes about Dad’s Fail moments. Once, she dedicated a song to Leni. The song? Please Release Me! Naguenos laughCarmela Fonbuena
Dad would also tell her: ‘Go La Salle Trish!’ She’s Atenean heheCarmela Fonbuena
#SalamatJesse Tricia: Kung kailangan ko i-summarize: Sinisiguro niya na tapos homework namin bago trabaho niya. Kami priority ni Papa.Rappler
#SalamatJesse Tricia: Tumatawag siya kung kani-kanino para makahanap ng UAAP ticket para kay Aika.Rappler
#SalamatJesse Tricia: May space sa puso niya para mahalin kayo (taumbayan). Sinisiguro ko iyan.Rappler
#SalamatJesse Tricia: “Kakagatun na sana niya ang muro niya” (kakagatin nalang niya daliri niya) kaysa magalit.Rappler
#SalamatJesse Tricia: Hindi niya magagawa ito kung hindi siya malakas. Hindi siya magiging malakas kung hindi niya mahal ang ginagawa nya.Rappler
#SalamatJesse Tricia: Salamat po sa pag-iba samo sa pag pangadyi (Salamat sa pagsama sa amin sa pagdarasal)Rappler
#SalamatJesse (Di namin inakala na ganito karami ang sumusuporta at nagmamahal kay Papa… salamat po sa pagpapasaya sa kanya.)Rappler
Tricia: ‘Kinikilig na si pogi, referring to Dad re tributesCarmela Fonbuena
#SalamatJesse Tricia: Oras na igwa kitang gibuhon para ki Papa (oras na para may gawin tayo para kay Papa); Ipagpatuloy ang ginawa niya.Rappler
#SalamatJesse Tricia: Bawat saro po sato may magiginibo para sa siyudad na ini. (Bawat isa sa atin may magagawa para sa siyudad na ito)Rappler
#SalamatJesse Tricia: Aram ko na kaya ta man… maski ordinaryong tawo may magiginibo. (Kaya natin; Maski ordinaryong tao may magagawa)Rappler
#SalamatJesse Tricia: Dai mi po hinuna na ganito kadakul ang nagsusuporta asin nagpapadangat ki Papa… salamat po sa pagpa-ugma saiya.Rappler
Tricia: Maybe you were ready to die but we weren’t ready to lose you…Carmela Fonbuena
#SalamatJesse Tricia to dad Jesse: I am grateful to be loved by you.Rappler
#SalamatJesse Tricia: Sec,Mayor, Pogi, Boss… Papa, dai mapundo sa Twitter, TV ang pangako mi (Di titigil sa Twitter, TV ang pangako namin)Rappler
#SalamatJesse Tricia: Promise po, mabalik kami igdi, ipadagos mi ang pinoonan ni Papa na laban. (babalik kami, ipapatuloy namin ang laban)Rappler
Tricia: Promise Pa, hindi kami magboyfriend ni Aika at ni Jill kung hindi kasing pogi at kasing buti mo @rapplerdotcomCarmela Fonbuena
Tricia: ‘Ako na po bahala kay Mama.  Senator Len. Joke.’ then laughsCarmela Fonbuena
#SalamatJesse Tricia: Sana may makuha tayo sa nangyari sa kanya. I love you Papa… see you on the other side.Rappler
#SalamatJesse Tricia asks everyone to stand up, make a salute to Sec Robredo.Rappler
#SalamatJesse Necrological service ends. Vigil continues at the Naga City Hall.Rappler
The mayor of Nagarapplerdotcom

———

Here is a Filipino translation of Tricia Robredo’s speech during the necrological services for the late Interior Secretary, held at the People’s Hall of the Naga City Hall on Sunday evening, August 26.

Ako po ang pangalawang anak ni Secretary Robredo. Baka hindi n’yo po alam kasi mas matangkad ako sa ate ko, kaya baka isipin n’yo ako ang unang anak. Pangalawa po ako.

Sa pamilya po namin ako ang pinakamadrama, sabi nila. Kahapon, habang naghihintay kami sa mga tao na bibisita kay Papa sa Malacañang, nakagawa na sana ako ng sasabihin ko ngayong gabi. Binasa ko uli ‘yung sinulat ko, umiyak ako nang umiyak. Talagang madrama ako. Kaya kaninang umaga, binago ko ‘yun, tapos bago kami pumunta dito, tinext ko si Papa, sabi ko sa kanya, “Pa, kung feeling mo iiyak na ako, please, kilitiin mo ako,” kasi ayoko na magpakita sa inyo na umiiyak.

Si Ate naman kinausap din si Papa kanina. Sabi niya, Pa, tapakan mo ang paa ni Tricia pag umiiyak na siya, kasi hindi kami puwedeng magpakita na mahina ang loob namin dahil sa mga nangyari.

Sa aming magkakapatid, ako ang pinakamahiyain. Sabi naman ng iba, ako naman ang pinakamahina ang loob. Kung nakita n’yo, si Ate nagsalita para sa pamilya namin, sinagot lahat ng mga tanong ng mga reporter maski mahirap sumagot ng mga tanong tungkol kay Papa. Pero nakita niyo naman na nagawa niya iyon, kahit mahirap, gaya nu’ng sa ANC (interview). Matibay talaga (ang loob) ni Ate.

Si Jillian naman po, may kuwento ako tungkol sa kanya. Sana tumawa kayo kasi medyo sad ang atmosphere ngayon. Sana matuwa kayo.

Si Jillian po, ang bunsong kapatid ko, alam n’yo po gusto niya talaga mag-artista. Ilang oras pagkatapos naming malaman na wala na si Papa, ano ang unang tanong niya kay Mama? “Ma, ilang taon si Kris (Aquino) noong namatay si Ninoy?” Baka daw kasi puwede siyang maging isang Kris Aquino paglaki niya.

Ako naman po, nitong mga nakaraang araw, kung nakikita niyo ang mga litrato sa mga newspaper o sa TV – di ko pa nakikita kasi ayaw ko manood ng balita – sigurado ako na ang nandoon, kung hindi ako umiiyak, nagpupunas ako ng ilong. Kaya pagkatapos na hindi ako nagsalita tungkol sa nangyari, nagpaalam ako kay Mama na gusto ko rin magsalita tungkol kay Papa.

Siguro, ngayon, tinatawanan ako ni Sec Jess. ‘Di pa siya nagpaparamdam sa akin, pero sana magparamdam na siya. Parang naririnig ko rin siya na nagsasabi, “Ayos ka Bok, isang week pa lang, nagbago ka na.”

Dati po kasi di ako masyadong nakikipag-usap sa ibang tao. ‘Yung mga friends po nila Mama at Papa, alam iyan. Mahiyain nga po ako, hindi ako gaya ni Jillian na gusto maging Kris Aquino, so madalas hindi na lang ako nagsasalita. Nagsasalita lang ako kapag kailangan. Pero lahat iyan nagbago nitong nakaraang linggo. Binibiro ko nga si Papa bago matulog, mas marami pa akong nakausap nitong linggo kaysa sa mga nakausap ko nitong nakaraang taon.

Hindi normal ang ganitong ugali, lalo na sa ganitong edad, ang mga ka-edad ko laging gusto maraming kasama. Ako, solo lang. Kung puwedeng gawin ko mag-isa ang mga bagay, gagawin ko mag-isa. Killjoy, ‘di ba? Minsan nga parang nakakainis na. Pero, alam n’yo, ‘di sa akin pinaramdam ni Papa na mali ang ganitong ugali.

Noong pinag-usapan namin ito, ngumiti lang siya, tumango, at sinabi, “Ano naman, anak? Labs na labs ka naman ni Papa.”

Marunong magmahal

Marami na tayong kuwento na narinig tungkol kay Papa: Matibay siya na Mayor, matibay siya na Secretary, mabuti siyang kaibigan o ka-brod, mabuti siyang anak, mabuti siyang kapatid, mabuti siyang anak. Pero natanong n’yo na ba kung bakit siya matibay, kung bakit siya mabuti? Kung ako tatanungin niyo, ito ang sagot ko: naging matibay at mabuti si Papa dahil marunong siya magmahal: Magmahal sa trabaho, magmahal sa tao.

Paano magmahal si Papa? Sabi ng Lola ko sa isang interview, maraming may gusto kay Mama noong dalaga pa siya, pero sa dinami-rami ng lalaki na nanligaw sa kanya, si Papa ang pinili niya. Hindi ko alam ang rason, dahil ‘pag nagtatanong ako ‘di niya ako sinasagot. Pero subukan n’yo itanong, baka sagutin kayo. Try n’yo lang. Pero sa mga nakita ko sa kanila, si Papa mahilig i-surprise si Mama.

Magsasabi na lang iyan na uuwi siya ng Sabado, sasakay ng eroplano nang hapon, pero sasabay iyan sa amin ni Ate sa bus nang Friday ng gabi. Isang beses na umuwi kami, gusto niya i-surprise si Mama pero siya rin ang nagbuko sa sarili niya. Nagtanong si Mama, “Pa, asan ka na?” Ang sagot ni Papa, “Nahatid ko na sila Tricia.” Eh ang layo ng sagot ni Papa, so nag-text na lang siya na pauwi na siya. Medyo “fail” si Papa kung iisipin.

Si Papa rin, bago mag-birthday si Mama, or mag-wedding anniversary, or mag-Mother’s Day, papasok iyan sa kuwarto naming magkakapatid kapagka akala niya tulog na si Mama, tapos magtatanong kung anong puwedeng i-regalo kasi gusto niya talaga i-surprise si Mama. Mahal niya talaga si Mama, na maski birthday niya inaalay niya kay Mama.

Naalala ko isang beses, birthday niya sa City Hall, pinakanta siya. So kumanta siya, hindi naman siya nahihiya. Tapos ide-dedicate niya raw yung song na kakantahin niya kay Mama. Anong kinanta niya? “Please Release Me.” Pero gusto lang nilang pasayahin si Mama.

Pamilya muna

Sa aming magkakapatid mahaba ang pasensya niyan. Ako po, pre-med ngayon, medyo mahirap ang course – sabayan pa ng paglipat sa Manila. Mahal na mahal ko ang Naga, ibang-iba sa Manila. Kaya kadalasan nagtataray ako, lalo na kapag sobrang inis na ako. Minsan nga sinusuntok ko ang malaking tiyan ni Papa kapag sobrang galit na ako, pero okay lang sa kanya. Pero ‘pag ganyan, pupunta na lang iyan sa kuwarto ko, ‘di lang magsasalita dahil nga galit na ako, mag-iiwan ng pagkain, tapos tatawagin si Mama: “Ma, magdasal na tayo para sa test ni Tricia.”

Minsan nga hahanapan niya pa ako ng tutor. Wala na sa job description niya, pero ginagawa pa rin niya. ‘Pag araw na ng test ko, magtetext nalang ‘yan ng “Go La Salle, Trish!” – pero taga-Ateneo po ako. Pagkatapos ng test ko tatawag iyan, o pag-uusapan namin kapag nagkita na kami.

Si Jillian po lagi niyang hinihilot bago matulog. Lagi rin silang naka-holding hands. Kapag tumabi na si Jillian sa kanila sa kama, sasabihin na niyan, “Anak, Our Father na tayo.”

Noong mayor pa siya, pinapa-encode pa niya ang mga practice tests ni Jillian para ready na siya ‘pag magpapa-tutor na siya.

Marami pang ganitong moments kasama si Papa, pero kung kailangan ko itong i-summarize sa isang sentence, sinisiguro na muna na tapos ang assignments namin bago ang trabaho niya. Baka nakaka-offend sa iba kasi baka isipin niyo, inuuna niya kami, pero sorry po, ganoon talaga siya. Mas una kami. Kami ang priority ni Papa. Maski divided ang time niya, alam namin na may oras siya para sa amin.

Si Ate naman, graduate na iyan ng Ateneo apat na taon na ang nakakaraan, pero grabe pa rin kung manood ng UAAP games. Kung sinu-sino na tinatawagan ni Papa para lang makahingi ng ticket sa UAAP basketball games. Kapag naiiwan sila sa Manila, lumalabas sila ni Ate para kumain sa mga kainan malapit sa amin.

Pagmamahal sa bayan

Labs na labs talaga kami ni Papa. Pero kahit sobra-sobra na, meron pa rin siyang space sa puso niya para mahalin ang bawat isa sa inyo. Sinisiguro ko iyan sa inyo.

Naaalala ko noong bata pa ako, pag-uwi ko galing eskwelahan, nakita ko siya nakatayo sa pagitan ng isang babae at isang lalaki, tapos may iba pang mga tao. Pagdaan ko, may kinakasal pala siya – pero may sakit siya noon. Isipin niyo: Naka-pajama siya, nakayapak, at hindi lang iyan – nakasuwero pa siya. Pero kinasal pa rin niya ang mga dapat ikasal kasi trabaho niya iyon.

Kapag galit na iyan, gaya ng sinabi kanina ni Ninong Gabby (Naga Vice Mayor Gabriel Bordado Jr), kakagatin na lang niya ang daliri niya kaysa sa magsalita ng masama. Galit na nga siya, sinasaktan pa niya sarili niya.

Noong may sumabog malapit sa convoy niya, sa Mindanao ata iyon, tumawa lang siya tapos tumuloy sa mga meeting niya. Sabi pa niya sa amin noong nagkukuwento siya, feeling niya nasa teleserye siya. Nakakainis ‘di ba? Kami kinakabahan, naiiyak sa nangyari, tapos siya, sabi niya, feeling niya siya si Fernando Poe Jr.

Hindi niya magagawa o malalampasan ang mga nangyaring ito kung hindi siya malakas. Hindi siya magiging malakas kung hindi niya mahal ang ginagawa niya.

Pagpapasalamat

Ngayong gabi po, nagpapasalamat po kaming buong pamilya sa pagpapakita at pagpaparamdam sa amin at kay Papa na mahal n’yo rin siya.

Mahirap mawalan ng tatay. Nakakalungkot isipin na mabubuhay kami na wala siya. Pero alam namin na hindi lang kami ang nawalan, na hindi namin kailangan mag-isa para malampasan namin ito.

Salamat sa pakikiisa sa amin sa pagdarasal at umasa rin na makuha si Papa ng mga fishermen. Sabi nga ng ilang kaibigan ko na pumunta sa bahay noong nawawala pa si Papa, “Tricia, ‘wag ka mag-alala. Nakuha lang iyon ng tribo, may mga dahon-dahon sa ulo para ma-heal ang mga sugat niya.”

Salamat po sa pagpalit n’yo ng mga profile picture niyo sa Facebook, sa pagbigay ng tribute para kay Papa, pati pakikipag-away sa mga taong hindi natin maintindihan sa Twitter. Maraming salamat po. Kung hindi n’yo iyon ginawa, siguro ako na ang nakipag-away sa kanila. Pero sinabihan din naman ako ni Papa na ‘wag makipag-away, so baka ‘di ko rin gawin iyon.

Salamat sa mga nakahanap ng oras para bisitahin si papa, para makausap siya sa huling pagkakataon. Noong sinasamahan ko si Papa nitong mga nakaraang araw, marami akong nakitang nakasuot ng yellow T-shirt, may mga yellow ribbons, meron pang may malaking picture ni Papa. Siguro kung buhay pa si Papa at ginawa niyo iyan, kakantyawan na namin si Papa – “grabe ka, mukha mo nasa T-shirt na ng mga tao. Hindi ka pa ba satisfied na ‘yung mukha mo nasa harap na nila?” Pero sige, dahil wala na siya, pagbibigyan na namin.

Nakakataba ng puso kapag may nakikita kami na umiiyak, sumasaludo, at nagdarasal para sa kanya. Hindi namin inakala na ganito karami ang tao na nagmamahal sa Papa namin. Siguro ngayon, kinikilig na si Pogi, nanonood lang sa langit. Ang laki siguro ng ngiti niya, kita na ang pustiso.

Pinakaimportante sa lahat, salamat sa pagbigay sa kanya ng lakas para magawa niya ang lahat ng nagawa niya. Salamat sa pagpapasaya sa kanya. Salamat sa pagpapa-alam sa kanya na may babalikan siya sa Naga. Kahit na nasa Manila na siya, gusto niya lagi umuwi. Sigurado ako na isa sa mga rason ay dahil nandito kayo.

‘Ang importante ang hindi nasasabi’

Marami pa akong gustong sabihin tungkol kay Papa, pero kung iisa-isahin ko yun, hindi ako matatapos. Wala pa siguro ako sa kalahati, sinusundo na ako ni Papa.

Sa school po, may natutunan ako, nabasa ko sa isang article na sinulat ni Padre (Roque) Ferriols (Jesuit priest/philosopher): “‘Pag nasabi na ang lahat ng masasabi, ang importante ang hindi nasasabi.”

Malaki na ang pasasalamat na ibinigay natin kay Papa; oras na para may gawin tayo para sa kanya – ang ipagpatuloy ang ginawa niya para sa atin, para hindi masayang ang pinaghirapan niya. Sana ipagpatuloy natin ang mga sinimulan niya.

Isa sa mga favorite quotes na nabasa ko sa Facebook nitong mga nakaraang araw, na sinabi pala ni Papa na hindi ko alam sinabi niya, ay iyong sinabi niya na marami tayong lider sa national level na tinuturing na “the best people,” ang mga sikat, ang magagaling, uupo nalang sa isang posisyon – pero bakit lumalaki lalo ang gap sa pagitan ng meron at wala? Sinasabi doon ni Papa na humanap tayo ng hero sa ating mga sarili.

Siguro po, ngayong wala na si Papa, kailangan nating malaman na bawat isa sa atin may magagawa para sa siyudad na ito. Kahit na masaya na tayo – “An Maogmang Lugar” – marami nang pagbabago, hindi pa tapos ang laban. Sana bawat isa sa atin kumilos bilang respeto kay Papa.

Alam ko kaya natin; sinasabi nga niya, maski maliit na tao may magagawang malaking bagay, hindi lang para asa siyudad, kundi para sa bansa rin.

Papa, maybe you were ready to die, but we were not ready to lose you. Although I don’t understand why you had to leave so soon, I’m still very grateful to have been raised and loved by you.

Hindi ko po alam kung anong mangyayari pagbalik ko ng Manila, kasi nasanay po akong nandoon din siya. Pero sanayan na lang talaga.

Jesse sa bawat isa sa atin

Wala na ang katawan niya, pero sabi nga po ni (Naga City) Mayor John (Bongat), nakikita niya si Papa sa ating lahat. Sana nga po totoong may Jesse Robredo sa bawat isa sa atin.

Promise, Pa, hindi kami magbo-boyfriend ni Ate at ni Jill kung hindi sila kasimpogi o kasimbait mo. Nakakatawa nga po, noong wake sa Archbishop’s Palace, maraming lumalapit sa amin ni Ate: “Kung magbo-boyfriend kayo, dadaan muna sila sa amin.” Naku, kulang na lang ipakilala namin sa buong Naga kapag nagka-boyfriend kami! Kaya Papa, pinapahirapan mo pa kami – kailangan pa namin sila i-introduce sa mga tao!

Sec, Mayor, Pogi, Boss, Bright Boy, Papa, hindi matatapos sa Facebook, sa Twitter, o sa TV ang pangako naming ipagpatuloy ang nasimulan mo. Ako na po ang bahala kay Mama – Senator Len. Joke!

Kami naman pong magkakapatid, nangangako kami, kahit hindi kami magpulitika, gagawin namin ang lahat para ipagpatuloy ang ginawa ni Papa. Kung ako, sabihin na nating maging doctor in 4 years, si Ate maging mas successful, si Jillian maging Kris Aquino, promise po babalik kami dito. Tatapusin namin, ipagpapatuloy namin ang sinimulan niyang laban.

Pa, hindi kami magsasawa na magkuwento sa mga anak namin, at sa mga anak ng mga anak namin, tungkol sa malateleserye mong buhay. Para kang si FPJ, pero higit pa.

Hindi ko po kayang ipahiwatig sa salita ang aking pasasalamat na naging anak n’yo ako. Hindi ko rin kayang ipahiwatig sa salita ang pagpapasalamat ko sa inyong lahat. Kahit 54 years old lang si Papa, sigurado ako lampas pang-100 years old ang experiences niya.

Nalulungkot man kami kay Papa, ang suporta n’yo ang nagpapalakas sa amin. Kapag naiisip naming masaya na si Papa, na hindi siya talaga mawawala, na kinikilig na siguro siya, iyon ang tumutulong sa amin na ma-accept na wala na talaga siya.

Pero ito ang challenge sa ating lahat: Na sana ang pagkamatay ni Papa ay hindi para sa wala. Sana may makuha tayo sa nangyari sa kanya.

I love you forever, Pa. See you on the other side.

Maraming salamat po sa inyong lahat. – Rappler.com

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.

Summarize this article with AI

How does this make you feel?

Loading
Download the Rappler App!