COVID-19

PANOORIN: Bakit pumalpak ang tugon ni Duterte sa pandemya?

Rappler
Panoorin ang explainer ng Rappler na bumubusisi kung paano tinugunan ng Duterte administration ang krisis sa coronavirus sa bansa

Parang bumalik tayo sa 2020 dito sa Pilipinas, matapos muling isailalim sa enhanced community quarantine o ECQ ang Metro Manila at apat na karatig-probinsya.

Mahigit isang taon nang nagsimula ang pandemya, umaarangkada pa rin ang mga naitatalang kaso.

Simula March 19, 2021, nagtatala ang Department of Health ng mahigit 5,000 kaso ng COVID-19 kada araw.

Katunayan, nitong Lunes, March 29, umabot na sa mahigit 10,000 ang mga bagong kaso. Patuloy pa itong dumarami.

Habang ang ibang bansa ay unti-unti nang nakaka-recover, tila palala nang palala ang Pilipinas. Bakit pumalpak ang tugon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pandemya?

Panoorin ang explainer ng Rappler na bumubusisi kung paano tinugunan ng Duterte administration ang krisis sa coronavirus sa bansa, ngayong March 31, 7 pm, sa page na ito at sa Rappler YouTube channel.

Panoorin ang English version ng explainer dito. – Rappler.com/Nick Villavecer