Philippine National Police

[PANOORIN] PNP: To serve and protect nga ba?

[PANOORIN] PNP: To serve and protect nga ba?
Imbes na sila ang magprotekta sa mga mamamayan, ang mga pulis ang pumapatay at umaastang kriminal

Nagulantang ang mga Pilipino nang mapanood ang video ng ‘cold-blooded’ na pagpaslang ng isang pulis sa isang 52 anyos na babae sa Fairview, Quezon City noong Lunes, May 31.

Nakadagdag ang pangyayaring ito sa maruming record ng mga awtoridad sa pang-aabuso sa kapangyarihan at pagpaslang ng mga walang kalaban-labang sibilyan.

Nilista ng Rappler ang ilan sa mga insidente ng karahasan at pang-aabuso ng mga pulis at tanod nitong mga nakaraang buwan at taon.

Taliwas sa palusot ng Palasyo, ipinapakita ng pagsusuma na ito na hindi ito “isolated incident.”

To serve and protect. ‘Yan ang sinumpaang tungkulin ng mga pulis. Pero tila sila ngayon ang nag-aastang kriminal. Bakit sila bantay-salakay?

Panoorin ang video sa page na ito ngayong Biyernes, June 4, 6 pm o ‘di kaya’y sa aming Youtube channel. – Rappler.com