Provide your email for confirmation

Tell us a bit about yourself

country *
province *

why we ask about location

Please provide your email address

Login

To share your thoughts

Don't have an account?

Login with email

Check your inbox

We just sent a link to your inbox. Click the link to continue signing in. Can’t find it? Check your spam & junk mail.

Didn't get a link?

Sign up

Ready to get started

Already have an account?

Sign up with email

By signing up you agree to Rappler’s Terms and Conditions and Privacy

Check your inbox

We just sent a link to your inbox. Click the link to continue registering. Can’t find it? Check your spam & junk mail.

Didn't get a link?

Join Rappler+

How often would you like to pay?

Monthly Subscription

Your payment was interrupted

Exiting the registration flow at this point will mean you will loose your progress

Your payment didn’t go through

Exiting the registration flow at this point will mean you will loose your progress

[EDITORIAL] Handa ba ang gobyernong Duterte sa mass vaccination kontra COVID-19?

Ang "realistic scenario" ni vaccine czar Carlito Galvez Jr ay "late 2021" pa o "early 2022" darating ang bakuna laban sa COVID-19 sa Pilipinas. Ang best case scenario daw nilang makapagdistribute ay July 2021. Mukhang ayaw lang tayo tapatin ni Ginoong Galvez na 'wag na tayong umasa sa maagang distribusyon.

Samantala, sa Estados Unidos, parang nag-inject ng pag-asa ang vaccine sa mga mamamayan at negosyo dahil Disyembre ang tinitingnang rollout nito. Inaasahang makagagawa ng 40 milyong vaccine sa katapusan ng 2020 at karamihan daw ng mga Amerikano'y makapagpapabakuna sa Q2 ng 2021.

Shopping spree ng bakuna

Dito sa Pilipinas, nagdownpayment na ang Pilpinas para sa AstraZeneca vaccine, mas mura at hindi kailangang iimbak sa napakababang temperatura na mangangailangan ng mamahaling freezer tulad ng mga bakuna na dinevelop ng Moderna at Pfizer. Tinitingnan din ng mga opisyal ang vaccine na Sinovac COVID-19 mula Tsina.

60% epektibo daw ang AstraZeneca vaccine sa mga taong binigyan ng dalawang dose, pero umakyat daw sa 90% ang bisa nang nabigyan ang mga volunteer sa trial nito ng kalahating dose, at pagkatapos ay sinundan ng full dose.

Pero kinukwestyon ang datos ng UK pharmaceutical dahil isinagawa ang pangalawang grupo ng trials nito sa 55 years old and below. Mas mababa kasi ang risk o panganib na magkaka-COVID-19 ang age group na ito kumpara sa mas matatanda.

Para sa mayayamang bansa tulad ng US, "game changer" sa paglaban sa pandemya ang dalawang bagong vaccine mula Pfizer at Moderna dahil sa taas ng effectiveness o bisa ng mga ito na nasa 95%.

Sabi ni Galvez, malamang ay sa mga siyudad i-deploy ang mas mahal na vaccine ng Pfizer na sumasailalim pa sa negosasyon, dahil may pasilidad ang mga lungsod ng refrigeration.

Sa bansang Thailand, vaccine para sa 13 milyon (sa populasyon nitong 69 milyon) kaagad ang inorder mula sa AstraZeneca. Balak din ng Thailand na magtayo ng laboratoryo ng AstraZeneca sa teritoryo nito. Smart, 'di ba?

Layon ng Pilipinas na makapagbigay ng vaccine sa 35 milyon sa unang bugso, pero nasa 2.6 milyon pa lamang na doses ang naisesecure ng Pilipinas mula sa AstraZeneca – na maibibigay sa 1.3 milyong tao lamang – sa tulong ng pribadong sektor. Hindi pa inaanunsyo ang ibang mga deal na hindi pa sarado.

Bibigyang prayoridad daw ang healthcare workers at front line personnel, at kasama rin ang mahihirap na pamilya. 

Kailangan din ng budget para sa refrigerated storage, bagay na hiningi na ni Galvez. P73.2 bilyon ang budget na tinitingnan ng gobyerno para sa vaccine habang tinatarget ni Galvez ang halagang P150 bilyon sa 2021 national budget para sa cold chain storage system.

Sino ang 'priority'?

Hinihikayat ni Vice President Leni Robredo na ilatag na ang plano para sa pagbibigay ng vaccine ngayon pa lang. Mahalaga raw na matukoy na ang mga pangalan ng tatanggap ng vaccine. Mahalaga ring malaman na kung nasaan ang mga frontliners at paano ipadadala sa kanila ang vaccine.

At lalong mahalaga ang priority list, halimbawa, kung kapusin sa bakuna, sino ang mauuna? Sana'y hindi na naman unahin ang mga VIP, tulad ng nangyari sa RITM testing noong mga unang buwan ng pandemya.

Lahat ng bansa sa planetang ito'y nagkukumahog makakuha ng supply ng bakuna at dito nagkakatalo kung mayaman ang bansa o mahirap. Dito kitang-kita ang Global North at Global South. Dito rin tumitingkad ang mahusay o palpak ng pamamahala.

Habang mukhang pahupa na ang pagkalat ng virus sa mga kalunsuran, nangyari ito matapos ang isa sa pinakamahahabang quarantine sa buong mundo, at sa kabila niya’y, isa pa rin sa mga kulelat sa paglaban sa pandemya sa Asya. Ano ang aasahan nating husay sa gobyernong itong hit-and-miss ang rekord sa pag-aapula ng virus?

Sa katunayan, wala pang konkretong resulta ang mga negosasyon ng gobyerno para sa vaccine. Sa isang briefing nitong Nobyembre 30, inamin ni DOH Secretary Francisco Duque na wala pang downpayment na nailuluwal ang Pilipinas para magpareserba ng supply. ‘Di ba’t pera ng mga negosyante ang ipinambili ng 2.6 milyong dosage ng AstraZeneca?

Sa US, kasama sa planong vaccination program ang supply chains, dagdag na personnel, at drive-in clinics para sa libreng bakuna. May ganito na bang kalinaw na plano dito?

Kailangan din ng information war (imbes na anti-drug war) na kokontra sa umiiral na Dengvaxia scare dala ng palpak na dengue vaccination program ng Department of Health.

Sabi ng epidemiologists, kailangang mabakunahan ang 60% to 80% ng populasyon upang magkaroon ng tinatawag na herd immunity at masugpo ang virus.

Tatlo hanggang 5 taon ang tinitingnang timetable ni Galvez para ma-immunize ang 60-70% ng mga Pilipino. Hindi ba sobrang tagal naman ang 5 taon? Sa US, tinatantiyang babalik na sa normal ang pamumuhay sa bandang Q3 ng 2021. 

Dito natin pinagdidiinan ang transparency: kailangan kwentas klaras lahat sa bawa’t hakbang sa buong proseso. Malaking pera ang P73.2 bilyon at kailangang makita ng sambayanan saan mapupunta ang buwis na ibinabayad natin. Dalang-dala na tayo sa kapalpakan sa Dengvaxia at korupsyon sa PhilHealth.

Minalas na nga ang mga Pinoy na sa termino ng isang Presidenteng puro-dada-walang-nilaga naganap ang pandemya. Kaya’t ngayon pa lang ilabas na ang plano upang makatulong ang lahat ng sektor na magpuno sa mga butas.

'Vaccines don't save lives'

Sana’y 'wag magpaka-macho si Galvez at isipin niyang kakayanin niya lahat sa pamamagitan ng sentral na pamamahala. Anong papel ang puwedeng gampanan, hindi lang ng pribadong sektor, kundi na rin ng lokal na pamahalaaan sa ganitong kahigante at kakomplikadong plano?

Hindi puwede ang lumang diskarte matapos mabili ang bakuna. Ayusin natin ito, dahil dito nakasalalay ang buhay, kabuhayan, at katinuan nating lahat.

Hindi nakapagliligtas ng buhay ang bakuna," sabi nga ni A. David Paltiel, isang propesor sa Yale School of Public Health. Paglilinaw niya, “Programang pagbabakuna ang nakapagliligtas ng buhay.” – Rappler.com