Rodrigo Duterte

[EDITORIAL] Tsina at ang umaalingasaw na palabra de honor ni Duterte

Rappler.com

This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.

[EDITORIAL] Tsina at ang umaalingasaw na palabra de honor ni Duterte
Kaya't ang panawagan ng Rappler ngayong halalan – We Decide: Atin ang PIlipinas

Lagi’t lagi, binabalandra ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang palabra de honor. Madalas siyang mariringgan ng mga katagang, “I will stake my honor, my life, the presidency itself…”

Simula pa lang ng termino niya, nangako siyang tatapusin ang drug problem sa bansa sa loob ng 3-6 na buwan. Alam na natin kung ano ang kinahinatnan noon ‘di ba? 

Nangako siya noong kampanya na aayusin ang trapiko at mahabang pila sa MRT. 🙄

At higit sa lahat, nangako siyang magje-jetski papuntang West Philippine Sea at itatayo ang bandila natin doon.

Sabi ng mga kakampi niya, “Yan si Duterte, you don’t take him literally.” Hindi naman tanga ang mga Pinoy para hindi ma-gets ang kahulugan nito: Hindi man siya pisikal na mag-jetski, ipinangako niyang itataguyod ang bandera – ang interes – ng bayan.

[EDITORIAL] Tsina at ang umaalingasaw na palabra de honor ni Duterte

Ano ang presidente kung wala siyang isang salita?

Ang pinakanakakasuka ay ang nangyari nitong nakaraang linggo. Hinamon ni Digong ang dating mahistrado ng Korte Suprema na si Antonio Carpio sa debate. Tinanggap ang hamon. ‘Di nagtagal, napilitan si Digong na umatras sa laban, bahag ang buntot.

Kitang-kita natin, kung saan hinulma ang presidenteng ito: Walang gulugod, walang dangal, puro kuda.

Uulitin namin, si Duterte ang naghamon ng debate kay Carpio. Siya ang unang bumunot ng baril, kaya huwag nating palampasin ang pangga-gaslight o pagpapasa ng sisi ni Presidential Spokesman Harry Roque.

Ani Roque, “Bakit papayag sa debate eh nakaupong Presidente naman si Presidente Duterte at si Atty Carpio naman po, bagama’t siya’y dating mahistrado, ay ordinaryong abogado na ngayon. Parang hindi naman po ‘ata tabla na ang Presidente mismo ang haharap sa ordinaryong mambabatas.”

Pero ganyan talaga ang mga sangganong nakokorner – kumakambiyo, magkabuhol-buhol man ang dila sa pagsisinungaling. Pero hindi lang ito tungkol sa palabra de honor. Ayan na nga at nag-trending sa Twitter ang #DuterteDuwag.

Tungkol din ito sa tapang at sa mentalidad ng isang small-town mayor na habambuhay nang nakakahon sa small-town politics.

Simula’t sapul, takot – gamitin natin ang tamang salita – DUWAG – si Duterte na banggain ang Tsina at si Xi Jinping. 

Dala ba talaga ng paghanga at namutawi sa labi niya ang “I simply love Xi”? O ito’y pagsumpang maihahalintulad sa isang boss ng sindikato na nangangako ng katapatan sa kanyang Mafia lord?

Ito’y sa kabila ng makasaysayang pagpanalo ng Hague ruling na nagsasabatas sa internasyonal na antas na bogus ang 9-dash line ng Tsina sa South China Sea. Pero para kay Duterte, ito’y “papel lamang na itatapon ko sa basurahan.”

Tandaan natin ang kasaysayan: Nagsinungaling si Erap tungkol sa Jose Velarde accounts at itinakwil siya ng bayan. Nagsinungaling si Gloria Arroyo tungkol sa Hello Garci at itinakwil din siya ng bayan.

Akala ba ni Duterte at ng kanyang mga kapanalig na maikli ang alaala ng mga Pilipino? 

May isang online game na kung saan inilagay ang mga imahe ni Duterte, Senador at sidekick na si Bong Go, Carpio, at iba pang mga sikat na pulitiko sa boxing ring. Ini-livestream ito ng gamer at pinanood naman ng maraming aliw na aliw na netizen. Kahit hindi gamer, nanood. Sabi ng isang nanood ng stream (na dating supporter ni Digong), gusto lang niyang makitang mabugbog si Duterte, kahit lamang sa isang online game. Ganoon siya kagigil. Pero ang babaw naman kung ito lang ang kaya nating porma ng “pagbawi.”

Sa darating na eleksiyon, may pagkakataon na tayong bawiin ang ating dangal. 

Dati, ang slogan ng Rappler sa halalan ay #TheLeaderIwant.

Ang panawagan ng Rappler ngayong eleksiyon: We decide: Atin ang Pilipinas

Botante ang pangunahing aktor sa eleksiyon 2022. Ito’y boto laban sa kainutilan, kawalang-puso, paninindak, at korupsyon. (BASAHIN: Our 2022 election battle cry – #WeDecide: Atin ang Pilipinas)

Ang mensahe: Bawa’t botante ay may botong makabuluhan. Gawin nating makabuluhan.

Babawiin natin ang respeto sa buhay, ang respeto sa karapatan ng kapwa tao, ang malasakit sa kapitbahay, ang dignidad ng manggagawa, at ang kakayahan nating bigyan ng disenteng kinabukasan ang ating mga pamilya.

Maniningil tayo bilang mga taxpayers. Iwaksi natin ang tribo-tribong kampihan para sa kabutihan nating lahat. At sa harap ng buong mundo, igigiit natin ang soberanya ng Pilipinas.

#WeDecide: Atin ang Pilipinas. We will own the elections, we will reclaim this country. – Rappler.com

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.

Summarize this article with AI

How does this make you feel?

Loading
Download the Rappler App!