Provide your email for confirmation

Tell us a bit about yourself

country *
province *

why we ask about location

Please provide your email address

Login

To share your thoughts

Don't have an account?

Login with email

Check your inbox

We just sent a link to your inbox. Click the link to continue signing in. Can’t find it? Check your spam & junk mail.

Didn't get a link?

Sign up

Ready to get started

Already have an account?

Sign up with email

By signing up you agree to Rappler’s Terms and Conditions and Privacy

Check your inbox

We just sent a link to your inbox. Click the link to continue registering. Can’t find it? Check your spam & junk mail.

Didn't get a link?

Join Rappler+

How often would you like to pay?

Monthly Subscription

Your payment was interrupted

Exiting the registration flow at this point will mean you will loose your progress

Your payment didn’t go through

Exiting the registration flow at this point will mean you will loose your progress

[EDITORIAL] Huwag muna tayong magtatatalon sa pagkambiyo ni Duterte sa West Philippine Sea

180-degree turn daw ang ginawa ni Pangulong Rodrigo Duterte nang igiit niya ang karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea na nakamit sa bisa ng Hague ruling. At ginawa niya ito sa pandaigdigang entablado ng United Nations General Assembly.

Samakatuwid, bumaliktad si Digong. Nagulat ang marami dahil mula simula ng kanyang termino, maamong tupa ang asal niya sa harap ng makapangyarihang Tsina habang minumura niya ang US at mga opisyal nito. Tinawag nga ito ng lahat na "pivot to China."

Laging sinasabi ni Duterte na ayaw niyang giyerahin tayo ng Tsina – isang pinagtatawanang pananaw sa international politics. Andyan ang Vietnam, na sa kabila ng pakikipagbanggaan sa isyu ng South China Sea ay tumatamasa ng magandang relasyong pangkalakalan sa Beijing.

Sa katunayan, noong unang pumutok ang COVID-19, inuna pa ni Digong ang pag-aalala sa sasabihin ng Big Brother na Tsino kaysa isuspinde ang flights mula Tsina. Itinuturo ito ng mga eksperto na "missed opportunity" upang maagang maapula ang pagkalat ng coronavirus.

Bakit kumambiyo?

Masalimuot ang isyu ng South China Sea, at dito nagtutunggali ang iba't ibang interes. Maliban pa sa claimant countries, andiyan ang Estados Unidos, na mula pa 1800s ay ginagamit na ang "fishing diplomacy" upang magpalapad at magmintina ng impluwensya't kapangyarihan sa iba't ibang sulok ng mundo. (BASAHIN: US-China fight over fishing is really about world domination)

Sabi ng mga analyst, Estados Unidos mismo, COVID-19, at ang papalapit na eleksyon ang nagbigay-daan sa pagbaliktad ni Duterte sa isyu ng West Philippine Sea.

Nitong Hunyo, tinigilan na ng US ang "fence-sitting" nito sa harap ng umiigting na trade war sa pagitan ng US at Tsina. Sa unang pagkakataon sa mahabang panahon, inupakan ng US ang Tsina at lantarang sinabing "unlawful" ang pangangamkam nito sa South China Sea. Dumalaw din ang isang high-ranking na opisyal ng US sa Taiwan na alam nitong ikabubuwisit ng Beijing. (Itinuturing ng People's Republic of China na teritoryo nito ang Taiwan sa kabila ng split noong 1949.) (BASAHIN: South China Sea: After all its posturing, the US is struggling to build a coalition against China)

Ngayong tila dalawa na muli ang nagkikiskisang sanggano sa mayamang karagatan, tila kumakampi ang Pilipinas sa sigang rerespeto sa claims natin sa karagatan na ipinalo natin sa Hague.

Kahit si dating Supreme Court justice Antonio Carpio at dating foreign affairs secretary Albert del Rosario – masusugid na kritiko ng foreign affairs policy ni Digong – ay pumalakpak.

Everybody happy… we live happily ever after? Mali.

Patapos na ang madugong termino ni Digong na hitik sa human rights violations at palpak na management ng pandemya. Gusto niyang umexit nang handog ang vaccine laban sa COVID-19 sa mga Pilipino – dahil ito lang naman talaga ang istratehiya niya laban sa coronavirus. At pagdating sa vaccine, ang "best bet" niya ay ang Amerika at Europa.

Gusto niyang burahin sa utak ng mga Pilipino na nagmistula siyang tuta ng Beijing kahit pinapalubog ng mga Tsinong milisya ang mga bangkang Pinoy tulad ng GemVer. Kaya nga nag-viral ang mga karatulang nagsasabing, "Welcome to the Philippines, province of the People's Republic of China."

Pagdating naman sa pinangangalandakang Chinese investment, marami sa mga pangako ay napako na sa Memorandum of Agreement at hindi na naging pera. Ang malaking investment sa Pilipinas ay sa bahagi ng private Chinese operators ng Philippine Offshore Gaming Operators o POGO at hindi gobyernong Tsina. Sa bandang huli, Amerikano pa rin ang may pinakamalaking aid at pamumuhunan sa Pilipinas.

'Change of heart?'

Hindi nagbabago ang ihip ng hangin sa salita kundi sa gawa. Hindi rin namin binibilang ang presidential pardon sa trans killer na si Joseph Scott Pemberton na isang hungkag na gesture.

Sabi nga ng maritime analyst na si Jay Batongbacal, aksyon ang magiging patunay ni Duterte. (BASAHIN: What’s behind Duterte’s strong Hague ruling assertion before UN?

Kabilang dito ang hindi pagpayag na api-apihin ang mga Pilipinong mangingisda sa sarili nating karagatan at paghingi ng katarungan kapag sila'y nabusabos.

Kabilang na rito ang pagdisiplina sa pasaway na mga operator ng POGO na dumadagdag pa sa korupsyon ng mga taga Bureau of Immigration.

Kabilang na rito ang hindi pagtanggap na loans mula sa Tsina na di-pantay at makasisira sa kalikasan tulad ng Kaliwa Dam.

Ngayong kumambiyo na siya sa Estados Unidos, sana malinaw kay Duterte ang kaibahan ng alyado at panginoon. Sana'y pangibabawan ng lohika at dignidad ang bawa't hakbang niya sa larangan ng foreign affairs.

Higit sa lahat, sana'y mangibabaw sa mga desisyon at asta niya ang pagdakila sa patrimonyo at soberanya ng Pilipinas. – Rappler.com