Provide your email for confirmation

Tell us a bit about yourself

country *
province *

why we ask about location

Please provide your email address

Login

To share your thoughts

Don't have an account?

Login with email

Check your inbox

We just sent a link to your inbox. Click the link to continue signing in. Can’t find it? Check your spam & junk mail.

Didn't get a link?

Sign up

Ready to get started

Already have an account?

Sign up with email

By signing up you agree to Rappler’s Terms and Conditions and Privacy

Check your inbox

We just sent a link to your inbox. Click the link to continue registering. Can’t find it? Check your spam & junk mail.

Didn't get a link?

Join Rappler+

How often would you like to pay?

Monthly Subscription

Your payment was interrupted

Exiting the registration flow at this point will mean you will loose your progress

Your payment didn’t go through

Exiting the registration flow at this point will mean you will loose your progress

[EDITORIAL] Waterproof pero hindi boboproof

Tatlong bagyo ang dumalaw sa Pilipinas nitong huling 3 linggo – ang Quinta na may 205 km/h, ang Rolly na may 315 km/h, at Ulysses na 165 km/h. Hindi kasinlakas ng Quinta at Super Typhoon Rolly ang Ulysses, pero dahil dumaan ito sa urban areas, matinding baha at pinsala ang naging dulot nito.

10 taon na mula nang naipasa ang Republic Act 10121 or Disaster Risk Reduction and Management Act.

Bakit walang nagbago? (PANOORIN: Did we prepare enough for Typhoon Ulysses (Vamco)?)

Sabi ng Office of the Civil Defense, "We were actually not caught flatfooted."

Sabi rin ni Assistant Secretary Casiano Monilla ng OCD, "Hindi kaagad sumusunod ang mga kababayan natin." Para bang gusto niyang sabihin na may katigasan ng ulo ang mga Pinoy? Pasaway ba?

Pero napag-uusapan na rin lang ang komunikasyon, parang sapat na kay Monilla na mag-warning. Sa tatlong sunod-sunod na bagyo, magkakatalo na sa kalidad ng warning, at sa paggamit ng lahat ng porma ng komunikasyon.

Marami ring nakaramdam ng malaking butas na iniwan ng pagkawala ng ABS-CBN Channel 2 sa malalayong lugar ng Pilipinas. Nalulunod ang mga tao sa Cagayan, pero wala nang istasyong nakapagbabato ng breaking news sa pinakamaraming bilang ng mga probinsya – bagay na hindi kailanman napantayan ng pinakamalapit ng kakompetensya nito, ang GMA 7. (Nakangisi pa rin ba ang 70 congressmen ngayong ipinagkait nila sa bayan ang public service ng higanteng istasyon, dahil lang hindi sila masaya sa reporting nito?)

Sabi naman ng head ng UP Resilience Institute head na si Mahar Lagmay, sana'y may specific na warning sa mga delikadong lugar.

'Yan dati ang ginagawa ng Project NOAH ni Lagmay nung pinopondohan pa ito ng gobyerno. Ginagamit ng NOAH ang teknolohiya upang i-simulate –gamit ang mga disaster maps – kung ano ang magaganap sa isang bagyo. Halimbawa, aling lugar ang babahain? Gaano kataas at kabilis ang pagtaas ng tubig sa mga ilog? Saang lugar malamang magkaka-landslide?

Pero dahil napulitika sa panahon pa ni dating presidente Noynoy Aquino, na-defund ito noong 2017. Ngayon, lumala pa ang sitwasyon dahil, ayon kay Lagmay, nagtatayo ng mga komunidad sa mismong mga floodplains.

Isa sa mga malalaking ugat ng pinsala (lalo na sa Cagayan) ang pagpapakawala ng mga dam ng tubig sa kasagsagan ng bagyo. Ipinaliwanag din ni Lagmay na naiwasan sana ang isang malaking bagsak. Puwede naman, gamit ang mga weather maps, na i-predict kailan dapat magsimulang mag-release ng tubig para hindi biglaan at hindi napakatindi ng mga baha.

Sabi nga ng marami sa Twitter, kriminal ang sistemang naghahatid ng delubyo galing sa mga dam sa mga residente ng kapatagang binabayo ng bagyo.

Pero sa gitna ng lahat ng ito, si Bong Go pa rin ang prayoridad ng programang Laging Handa noong Nobyembre 12. Pagtulong sa mga biktima sa Catanduanes ng star senador ang minabuti ng government channel na unahing ipalabas. Eh di ba nga't government media creation naman talaga si Go? (Balikan natin paano siya nahalal dito.)

Ito namang si MMDA Assistant Secretary Celine Pialago at Environment Undersecretary Benny Antiporda, pag-posing sa dolomite beach sa Manila Baywalk ang drama. "Dolomite lang ang matatag," sabi ng dalawa – na parang mahalaga ito sa mga buhay ng mga stranded sa bubong at mga rescuers na sumasaklolo sa kanila.

Siyempre, ang red-tagger na si Lorraine Badoy, nagpaandar na naman – at tinira ang CNN Philippines dahil ibinalita nito ang League of Filipino Students, isa lang sa maraming grupong ibinalita ng istasyon, na nagsasagawa ng rescue operations.

At habang abala ang mga alipores ng gobyerno sa pagpapapogi at pag-atake, si Tatay Digong ay hindi man lang nagparamdam sa taumbayan. Dahil ba sa napakataas naman ng ratings kahit palpak ang pagsugpo sa COVID-19?

At predictable din ang sagot ni Presidential Spokesperson Harry Roque na sinabing oposisyon lang ang nagsasabi ng #NasaanAngPresidente? Sa totoo lang, lahat nama'y naghanap sa Pangulo, hindi lang makakibo ang marami. Ang mas importante, may merito bang hanapin ang Presidente sa panahon ng sakuna? Oo, may karapatan tayong magtanong, "Nasaan ba ang Presidente?"

Tulad ng dalawang huling bagyo, sumusulpot na lang si Digong pagkatapos ng sakuna. Si Roque naman, masaya nang nakapag-briefing siya sa hora de peligro mismo, kung kailan binabayo na ng bagyo ang bansa.

Habang nagri-ribbon-cutting ang mga opisyal at wine-welcome ang bagong Philippine National Police chief na si Debold Sinas sa Tuguegarao, mahalagang tanungin, ano ang ibig sabihin ng leadership kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa mga tao niya?

Ito ba'y pagse-sex jokes sa meeting sa panahong may na-electrocute sa Cagayan at may mga rescuers ang DPWH na missing sa operations?

Ang sabi nga ng abogado at Rappler columnist na si John Molo, "Presidents are not expected to swim in the flood. They're expected to be on top of actual emergencies." (Hindi kailangang magtampisaw ang mga presidente sa baha. Pero dapat ay on-top o pinamumunuan nila ang aktuwal na emergencies.) (BASAHIN: Absentee leadership in the time of crisis)

Maraming nagsasabing waterproof o resilient ang Pilipino.

Pero anong tawag sa pamamahalang hindi nakapaglagay ng preemptive measures sa harap ng mga bagyong tiyak namang darating taon-taon? Incompetence, 'di ba? 'Di ba't may batas nang nagmamandato ng "risk reduction and management" at hindi lang ng rescue and relief operations?

'Di na ba talaga tayo natuto? Ilang dekada pa ba tayong magkukumpuni ng mga bahay na hindi weather-resilient? Ilang residente pa ang hahayaan nating tumira sa mga disaster-prone areas? Ilang araw lang nating tataglayin ang aral ng bagyo bago ito kalimutan? Kailan natin seseryosohin ang land use?

Sabi ni Senadora Leila de Lima: "Andiyan ang taon-taong pagtatapyas ng calamity funds habang tumataas ang intelligence funds, ang pagdedefund sa Project NOAH, ang pagsasara sa isang mahalagang network ng impormasyon, habang gumagastos ng milyon sa isang fake beach."

Waterproof? Siguro nga. Ang problema, hindi tayo boboproof. Nakamamatay ang incompetence. – Rappler.com