Provide your email for confirmation

Tell us a bit about yourself

country *
province *

why we ask about location

Please provide your email address

Login

To share your thoughts

Don't have an account?

Login with email

Check your inbox

We just sent a link to your inbox. Click the link to continue signing in. Can’t find it? Check your spam & junk mail.

Didn't get a link?

Sign up

Ready to get started

Already have an account?

Sign up with email

By signing up you agree to Rappler’s Terms and Conditions and Privacy

Check your inbox

We just sent a link to your inbox. Click the link to continue registering. Can’t find it? Check your spam & junk mail.

Didn't get a link?

Join Rappler+

How often would you like to pay?

Monthly Subscription

Your payment was interrupted

Exiting the registration flow at this point will mean you will loose your progress

Your payment didn’t go through

Exiting the registration flow at this point will mean you will loose your progress

[EDITORIAL] Mga aral ng Biden vs Trump para sa Pilipino

Naiwasan daw ng Estados Unidos ang isang "dystopian future" – o isang kinabukasang paghaharian ng tiraniya, pagyurak sa karapatang pantao, at pagkasira ng kalikasan.

Ito'y dahil hindi na-reelect si Donald Trump sa isang halalang itinuturing na referendum sa pamumuno ng Republican president.

Mabilis na nilinaw ng president-elect na si Joe Biden ang posisyon niya sa pandaigdigang entablado: makikipagbati siya sa mga alyadong binastos ni Trump, magiging kakampi siya ng kalikasan, at magiging "tougher" siya sa mga otokratikong lider. 'Di ba't naging BFF ni Donald si Vladimir Putin ng Russia at Rodrigo Duterte ng Pilipinas? Sabi mismo ni Trump, "na-in love" siya sa isang liham ng diktador ng North Korea na si Kim Jong Un.

'Ripple effect'

Nagdiriwang ang maraming mamamayan sa buong mundo sa pagkapanalo ni Biden dahil punong-puno na rin ang mundo kay Trump. Pero ano ba ang ripple effect nito sa ating mga Pilipino?

Hindi natin matatawaran ang global impact ng isang Biden presidency. Katapusan na ito ng 4 na taong mapanupil na immigration policies. Katapusan na ito ng pagtalikod sa kasunduang isalba ang kalikasan – pangako ni Biden na bumalik sa Paris Accord ASAP. Katapusan na ito ng isolationist policies sa ilalim ng retorika ng "America First."

Ibabalik daw ni Biden ang nawalang tiwala ng ibang world leaders sa US, matapos paigtingin ng North Korea ang missile programs nito at papalapit na sa pagkakaroon ng nuclear capability ang Iran. Ito'y matapos insultuhin ni Trump ang mga lider ng NATO, at bawiin ang suporta sa World Health Organization.

Sa larangan ng journalism, titigil na ang disinformation na galing mismo sa White House, at muli nang makakahinga ang US media. Naging napakalaking hamon ni Trump sa US media, na nagtala ng 880 na kaso ng paglabag ng kalayaang mamahayag ngayong taon, kung sana 37 ay nangyari sa panahon ng 2020 elections. Bago 'yun, humarap sa matinding karahasan at intimidasyon ang mga mamamahayag sa US na nag-cover ng mga kilos protesta ng Black Lives Matter.

Makasaysayan din ang panalo ni Kamala Harris na bumasag sa "glass ceiling" bilang unang babaeng vice president at pinakamataas na babaeng opisyal sa US, maliban pa sa pagiging unang person of color na mauupo bilang bise presidente.

Sa larangang human rights, inaasahang ipagtatanggol ng administrasyong Biden ang karapatang pantao sa buong mundo. Pero hindi ito garantiya na lantaran nitong babanggain ang isang Rodrigo Duterte lalo na kung nakataya ang Visiting Forces Agreement.

Ika nga, some things never change, kaya't 'wag tayong umasa na mas maninita ang US sa human rights violations ni Duterte tulad ng ginawa ng European Union Parliament. Sa bandang huli, mamamayani ang interes ng Estados Unidos sa South China Sea, with or without Trump, or despite Biden. (PANOORIN: Rappler Talk: What a Biden presidency means for Duterte)

'Shared destiny?'

Sa loob ng apat na taon, halos magkakambal ang bituka ng Pilipinas at Estados Unidos dahil na rin sa dalawang lider na magkahawig ang diskarte: parehong bastos, pa-macho, parehong abusado sa kapangyarihan, parehong mahilig mang-red-tag. Higit sa lahat, pareho nilang winasak ang mga institusyon ng demokrasya ng kani-kanilang bansa.

Parehong baluktot at marahas ang kanilang mga polisiya: sinupil ni Trump ang mga immigrants, ipinapatay ni Duterte ang mga durugista at pasaway; higit sa lahat pareho nilang pinatindi ang hidwaan ng dalawang lipunan sa pamamagitan ng hate speech. At pareho silang nanatiling napaka-popular sa buong termino nila.

Sa bandang huli, maraming binabadya ang eleksiyon sa US para sa Pilipinas – lalo na sa pagpapanalo ng halalan sa panahon ng pandemya at social media.

Bawiin ang kaluluwa

Babalik-balikan ng mga campaign strategists ang 2020 US elections dahil sa nangingibabaw na leksiyon nito: na sa bandang huli, sa kabila ng echo chambers at disinformation sa Facebook at limitadong galaw dahil sa COVID-19 – pinakamabisa pa rin ang grassroots organizing (hindi lang ni Biden kundi pati ni Trump.)

Sa kabila ng historic win ni Biden na 74 milyong popular vote, makasaysayan din ang pagkatalo ni Trump na tumabo rin ng 70 milyon. Patunay ito na hindi ito pagtalikod ng mga Amerikano kay Trump – sa totoo lang, nagpapakita ito ng matinding bitak sa pagitan ng mga Amerikano sa lungsod at kanayunan, at sa mga nakatungtong sa kolehiyo at sa mga hindi.

Malaking leksiyon din ang pagkakaisa ng mga Democrats sa likod ni Biden na hindi nangyari nung tumakbo si Hillary Clinton, bagay na tila hindi pa rin nama-master ng oposisyon sa Pilipinas, mula pula hangang dilaw.

At sa ating lahat, may isa pang aral: mahalin natin ang demokrasya. Hindi ito one-time, big-time win – ito'y high-maintenance, at madaling isabotahe. Winaldas natin ang demokrasyang handog ng People Power at ang paglimot na iyon ang nagbigay daan sa pagsikat ng isang Duterte. Sabi nga ni Kamala Harris, ang demokrasya ay magiging sintibay lamang ng kagustuhan nating ipaglaban ito – "only as strong as our willingness to fight for it."

Higit sa lahat, pumili tayo ng taong may integridad at may prinsipyo, at hindi lang 'yung humuli ng kiliti natin sa pagiging matabil, tuso, at agresibo.

Kilalanin natin ang mga senyales ng hate speech: pinagbabangga ang mayaman at mahirap, ang probinsyano laban sa taga-Maynila, galit sa nagtatanggol ng human rights at civil liberties, mahilig manira at mag-red-tag, nananawagan ng karahasan, palagiang naninindak, walang respeto sa babae, at pinapangalandakan ang kapangyarihan ng pulisya at militar.

Muling ipinupukpok ng eleksiyon sa US sa ating kokote ito: mahalin natin ang ating boto. Ito ang pintong magpapapasok ng pinuno na magpapagaan ng ating buhay o gagawin itong impiyerno.

Tinawag ni Biden ang laban niya na “a battle for the soul of this nation.” Ngayong binawi na ng Amerika ang kaluluwa nito, mababawi rin ba ng Pilipinas ang kaluluwa nito sa 2022? – Rappler.com