Provide your email for confirmation

Tell us a bit about yourself

country *
province *

why we ask about location

Please provide your email address

Login

To share your thoughts

Don't have an account?

Login with email

Check your inbox

We just sent a link to your inbox. Click the link to continue signing in. Can’t find it? Check your spam & junk mail.

Didn't get a link?

Sign up

Ready to get started

Already have an account?

Sign up with email

By signing up you agree to Rappler’s Terms and Conditions and Privacy

Check your inbox

We just sent a link to your inbox. Click the link to continue registering. Can’t find it? Check your spam & junk mail.

Didn't get a link?

Join Rappler+

How often would you like to pay?

Monthly Subscription

Your payment was interrupted

Exiting the registration flow at this point will mean you will loose your progress

Your payment didn’t go through

Exiting the registration flow at this point will mean you will loose your progress

Ang ambisyon ni Cayetano. Bow.

Tanong, mga kababayan: Papaano matutupad ang isang "gentleman's agreement" sa pagitan ng mga opisyal na tila hindi naman maginoo? (Sa katunayan, inaakusahan ng parehong kampo ang kabila ng "ungentlemanly behavior.")

Malaki ang implikasyon ng power struggle ng dalawang Alan/Allan – sina Alan Peter Cayetano at Lord Allan Velasco – sa buhay-pulitika ng bansa.

Silipin natin ang mga "enabler" – ang buong kapulungan ng mga mambabatas. Kapag tinanong mo ang mga congressmen, marami sa kanila ang magsasabi sa inyo (nang pabulong) na hindi nila "type" o wala silang tiwala kay Cayetano. Pero sa entablado kung saan pinakamalakas ang boses ng pera, dumagundong ang suporta para sa kanya.

At hindi lang 'yan. Lantarang binangga ng mga mambabatas si Pangulong Rodrigo Duterte nang bumoto ang mayoryang panatiliin si Cayetano sa puwesto. Sabi ng abugado't opinion columnist ng Rappler na si John Molo, "The nation just witnessed a group of politicians embarrass the President by spurning their promise to him less than 24 hours after making it." (BASAHIN: [OPINION] The first blow will come from within)

Paulit-ulit nang napatunayang hindi titindig ang mga kongresista para sa prinsipyo, o para sa amo (kahit si Digong pa 'yan), pero titindig sila para sa usapin ng pondo.

Dahil habang tumitindi ang gastos sa mga distrito dahil sa COVID-19, habang papalapit na ang eleksyon, at reelection ang name of the game – wala nang tatalo pa sa tawag ng pangangailangan.

At batid 'yan ni Cayetano. Kaya't iniwan niya sa pansitan si Lord Allan Velasco na ang tanging taktika ay ang isumbat ang gentleman's agreement at magsumbong sa Tatay Digong niya. Kinalimutan nang tuluyan ni Velasco na may separation ng powers ang lehislado at ehekutibo at maling-mali na manghimasok si Duterte. Kinalimutan na ni Velascong magpanggap man lang na independyente ang kapulungan.

Ang pinaka-fatal, kinalimutan din ni Velasco na kailangan ng boto ng mayorya upang siya'y maging Speaker of the House.

Sa bandang huli, malinaw na si Velasco'y "outmanned, outgunned, outnumbered, outplanned." (Paumanhin sa Hamilton.)

Pero sa totoo lang, ang taumbayan ang "outgunned." Sa ilalim ng sistemang horse-trading at pang-ho-hostage ng mga pondo at proyekto (na tila tanggap naman ng mga kongresista), nailuluklok sa puwesto ang pinakatuso at pinaka-ambisyoso. Dahil sa lumalaro sila sa batas ni Cayetano, sila at ang mga kinakatawan nilang distrito ang talo.

Sa ending ng kanyang speech, inilabas ni Cayetano ang Bibliya at ang orihinal na kopya ng Treaty of Paris. Ang Bibliya ay simbolo ng kabutihan at tamang panuntunan (values) habang ang tratado ay simbolo ng statesmanship. Nakalulungkot, ngunit pinatunayan lamang ng yugtong ito na said siya sa pareho.

Si Cayetano ba ang Speaker na mag-aakay sa Mababang Kapulungan sa makasaysayang landas? Si Cayetano ba ang magtataguyod ng demokrasya at magpapamana ng dangal sa mga susunod na lehislador? Bwahaha.

Sa pamumuno ni Cayetano, pinabagsak ang institusyon ng pamamahayag na ABS-CBN. Sa maraming malayong sulok ng bansa, tanging broadcast ng ABS-CBN ang pinagkukunan ng impormasyon, pero hindi man lang nakonsyensya ang mga lehislador at si Cayetano na sa ngalan ng pamumulitika, ipagkait ito sa mga uhaw sa balita.

Kahit mga tradisyonal na values ng Pilipino tulad ng utang na loob at katapatan (loyalty), semplang din si Cayetano. Pinabagsak niya ang ABS-CBN sa kabila ng malalim na utang na loob ng pamilyang Cayetano sa network na nagpasikat sa kanyang tatay at kapatid na babae sa masa.

Napanood niyo ba ang dokumentaryong A Thousand Cuts kung saan nahuli ng camera si Mocha Uson na humihingi ng payo kay Cayetano noong eleksyon ng 2019? Sabi ni Cayetano, "You can buy traditional media.” Kung hindi mabili, puwede rin niyang ipasara.

Speaking of loyalty, ilang beses din siyang nagpalit ng kaibigan at kakampi: minsa'y masugid na kaaway siya ni dating pangulong Gloria Arroyo, naging masugid na kaalyado siya ni dating presidente Noynoy Aquino, at ngayo'y kaututang dila niya ang anak ni Arroyo at mga kongresistang alipores ni Gloria.

Kaya't dapat tandaan ni Pangulong Duterte na sa kabila ng pagsamba ni Cayetano sa lupang kanyang tinatayuan, walang permanenteng kaaway o kaibigan sa pulitika.

Sa pamumuno ni Cayetano, ipinasa ng Kamara ang Anti-Terrorism bill na ngayon ay batas na. Sa ilalim ng kinatatakutang batas, puwede kang ma-tag na terorista, makulong nang matagal na walang bail (kung kailan puwede kang matortyur), at makamkam ang iyong ari-arian. Mapapaluha sa tuwa si Apo Ferdinand Marcos at si Adolf Hitler kung sila ay buhay pa.

Napakinggan niyo ba ang talumpati, este monologue, ni Cayetano kung saan napaikot niya ang istorya sa kabila ng malinaw na pagtalikod niya sa usapan nila ng term-sharing ni Velasco? Sambit ng isang nanood ng drama na napailing na lang, "Velasco did not stand a chance."

Napakinggan niyo ba ang bahagi ng kanyang monologue kung saan inamin niya na mababaw siya at gusto niyang mag-50th birthday na Speaker? Kaya't dapat daw siyang pagbigyan ni Velasco dahil bata pa naman ito?

Megalomania ang tawag sa taong obsessed sa kanyang kapangyarihan. Biruan man o hindi, ipinapakita ng eksenang ito ang megalomania at "naked greed" nina Cayetano at maging ni Velasco.

At tulad ng ipinunto ng artikulong ito sa Rappler, lahat ng ito'y pasakalye sa Ambisyon 2022 ni Cayetano. Lahat ng ito'y pag-aaspalto ng landas papuntang Malacañang. (BASAHIN: In House power play, Speaker Cayetano's Palace dreams are at stake)

Sabi nga ni Molo, "Beware those whose god is ambition, for they honor no one." Paging President Duterte...

Habang naaaliw, napapabalikwas at napapa-ismid tayo ng mga sarsuwela sa Kamara, huwag natin kalilimutang kaluluwa ng bayan ang nilapastangan, at dangal natin ang niyuyurakan. At nagbabadya ito ng mas matinding power play sa 2022.

O pag-ibig (sa kapangyarihan), hahamakin ang lahat masunod ka lamang! – Rappler.com