COVID-19

VIDEO EDITORIAL: Handa ka na bang mabakunahan ng ‘Made in China?’

Rappler
Walang na ngang kasanayan o disiplina ang mga pinuno natin na labanan ang pandemya, nangyayari pa ang pagsuway ng batas sa antas ng pinakamataas na lider ng bansa

Dumating na sa wakas sa Pilipinas ang 600,000 doses ng Sinovac vaccine – donasyon ng Tsina at hindi natin binili. Simula na raw ito ng kampanyang pagbabakuna.

Pero naunahan na tayo magbakuna ng mga bansang Bangladesh, Cambodia, and Lao PDR – mga bansang mas mahihirap pa sa Pilipinas. Ang Indonesia naman, nasa pangalawang yugto na ng mass vaccination.

Bakit tayo napag-iwanan? Mukhang sheer incompetence. Papetiks-petiks ang mga opisyal sa pagbili ng vaccine. Si Carlio Galvez Jr nga na vaccine czar, clueless sa proseso at sa mga papeles na kailangang ma-fill-up.

Sa gitna nito, umeksena si Mon Tulfo, at luminaw kung bakit ayaw nang magpaturok ng Pangulo. Inamin ni Tulfo na siya ang nagsilbing tulay sa pagpapaturok ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Sinopharm sa panahong iligal pa ang paggamit nito. Sabi ni Tulfo, gusto raw kasi niyang maging local distributor ng Sinopharm.

Sino ba si Tulfo? Bakit malakas pa rin siya sa kabila ng baho ng kanyang mga kapatid?

Kunsabagay, pera-pera lang naman lahat ‘yan.

Ang nakapanlulumo: wala na ngang kasanayan o disiplina ang mga pinuno natin na labanan ang pandemya, nangyayari pa ang pagsuway ng batas sa antas ng pinakamataas na lider ng bansa.

46% ng mga Pilipino ang ayaw magpabakuna dahil karamihan sa kanila ay hindi sigurado kung ito’y ligtas. Sa kabilang banda naman, 15% lamang ang handang magpaturok ng bakuna galing Tsina. Ikaw, handa ka na bang magpabakuna? – Rappler.com

BASAHIN: Handa ka na bang mabakunahan ng ‘Made in China?’