COVID-19

VIDEO EDITORIAL: Ang kuwento ni Tim Yap at Tatay Elmer

Rappler
Hindi talaga patas ang batas

BAGUIO CITY, Philippines – Inilagay natin si Baguio City Benjamin Magalong sa pedestal sa panahong wala halos pumapasa sa standard ng propesyonalismo sa mga iniluklok ni Pangulong Rodrigo Duterte. 

Nakalulungkot na isang opisyal na nirerespeto ng marami sa magkabilang panig ng pulitika sa Pilipinas ay sangkot sa iskandalo ng Tim Yap birthday party sa Baguio City. 

Sa kabila ng mga pahayag na iimbestigahan ang pangyayari, slap on the wrist ang napala ng socialite na si Tim Yap at artistang si KC Concepcion.  Nagmulta sila ng P1,500 na sisiw lang sa mga mayayaman. 

Pero ang 72-taong-gulang na jeepney driver na si Tatay Elmer ng Piston 6, nagbayad ng P10,000-bail matapos ang isang linggo sa kulungan para sa umano’y parehong paglabag. 

Ipinapakita sa atin ng mga pangyayaring ito ang kalidad ng pamumuno sa bansa. Sa bandang huli, wala pa ring tibay at integridad na aasahan sa administrasyong ito. 

Tanging maaasahan natin ang pagbaluktot ng mga alituntunin para sa mayaman, sikat, at makapangyarihan. Maaasahan natin ang ‘di pantay na pagpapatupad ng batas na magpapalusot sa isang Debold Sinas, Koko Pimentel at Tim Yap, pero magkakalaboso sa isang Tatay Elmer. 

BASAHIN: [EDITORIAL] Ang kuwento ni Tim Yap at Tatay Elmer