Philippine inflation rate

VIDEO EDITORIAL: Ang naglahong adobo sa hapag-kainan

Rappler
Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo? Alin ba ang dapat inuuna ng pamahalaan: highway o hanapbuhay? Bakuna o mapang-aping batas?

Suntok sa bituka ang kinakaharap ng maraming Pilipino. Ang baboy, umabot ng P450 nitong Enero, halos kasing-mahal na ng baka, habang ang manok ay nasa P160/kilo. Nagmahal din ang gulay.

Bakit umabot sa ganito ang buhay ng mahihirap na Pilipino? Nasaan ba ang pamahalaang nangako ng pagbabago? 

Bakit charter change ang pinagpipilitan ng mga kongresistang kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte? Sino ba ang makikinabang sa Cha-Cha – mayaman o mahirap?

Kabisado na ng mga Pilipino ang ganitong psychology ng makapangyarihan. ‘Yan ang diskarte ng liderato ng bansa, na palpak sa paglaban sa pandemya at pag-ayuda sa mahihirap, kaya inaaksaya na lang ang oras sa pagpapalapad ng kapangyarihan.

Lagi’t lagi, sinasabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na hintayin natin ang bakuna. Pero nasaan na? 

Kailan makatitikim ng maayos na pasuweldo ang mga ordinaryong Pilipino? Kailan siya magkakalakas-loob gumastos kung lagi’t-lagi’y nakaamba ang gutom at COVID-19 sa buhay niya?

Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo? Alin ba ang dapat inuuna ng pamahalaan: highway o hanapbuhay? Bakuna o mapang-aping batas?

Sablay sa istratehiya. Sablay sa pagpapatupad. Salat pa sa puso. Welcome to the Philippines 2021.

BASAHIN: [EDITORIAL] Ang naglahong adobo sa hapag-kainan