International Criminal Court

[VIDEO EDITORIAL] ‘Justice is coming’

Rappler
Matagal, mabagal, at mahaba ang arko ng 'moral universe' o moralidad ng sangnilikha. Pero kumikiling ito sa hustisya. Tayo ang huling sangkap na hahatak sa moral universe tungo sa hustisya sa Mayo 2022.

Binuksan na ng International Criminal Court ang imbestigasyon sa madugong giyera kontra droga ni Pangulong Rodrigo Duterte. Kasama rito ang mga patayan sa Davao City noong siya ay mayor pa. 

10 punto ang pinakamahalaga sa 41-page na desisyon. (BASAHIN DITO: Killing as state policy: 10 things the ICC says about Duterte’s drug war)

Isa sa mga pangunahing dahilan bakit tumatakbong bise presidente si Duterte ay upang makapagluklok ng “friendly government” o presidenteng magpoprotekta sa kanya mula sa ICC.

Sa madaling salita, nakadepende sa ating mga botante ang malaking bahagi ng pagkamit ng hustisya. Kailangang iboto natin ang isang presidenteng hindi hahadlang sa imbestigasyon ng ICC.

Kailangan natin ng isang pamahalaang magbabalik ng katinuan sa hanay ng pulisya at magwawaksi sa kahibangan ng war on drugs.

Kailangan natin ng magtatanggol sa karapatan nating mabuhay, mamuhay nang mapayapa, magawaran ng hustisya, at mabigyan ng due process.

Ayon sa mga nagdiwang online, mula “change is coming,” ngayon daw ay “justice is coming” para kay Duterte.

Pero ang pinakamakahulugan ay ang tweet ng Notre Dame Law School professor na si Diane Desierto.  Kino-quote niya ang walang kamatayang mga salita ni Martin Luther King. “The arc of the moral universe is long, but it bends toward justice.” 

Matagal, mabagal, at mahaba ang arko ng “moral universe” o moralidad ng sangnilikha. Pero kumikiling ito sa hustisya. Tayo ang huling sangkap na hahatak sa moral universe tungo sa hustisya sa Mayo 2022.

Huwag bumoto ng mga mamamatay-tao. Huwag bumoto ng protektor ng mamamatay-tao. Huwag bumoto sa hindi gagalang sa karapatang pantao MO. 

#WeDecide: Atin ang Pilipinas. – Rappler.com

BASAHIN: [EDITORIAL] ‘Justice is coming’