Impunity in the Philippines

VIDEO EDITORIAL: Ang kulturang kill, kill, kill

Rappler
Pangulong Duterte, hinalal kang presidente – hindi ka iniluklok na hari

Kung noon, urban poor ang target ng mga extrajudicial killing ng administrasyong Duterte, ngayon, dagdag na target nito ang mga abugado at miyembro ng mga progresibong grupo.

Gaya na lamang ng nangyari sa Calabarzon 9, na tinaguriang “Bloody Sunday.”

Garapal na rin ang pagpatay sa mga pulitiko. Tingnan niyo na lang ang pagpaslang kay Calbayog Mayor Ronald Aquino na dinamage-control ng pulisya at tinawag na “shootout.”

Hindi lang ang demokrasya ang kinikitil ng mga pagpatay na ito, kundi pati ang tiwala natin sa kabutihan ng mga lider na ipagtanggol ang tama at matuwid.

Sabi nga ni Bise Presidente Leni Robredo, “The Filipino people deserve better than this murderous regime.” 

Kumakatok na sa ating pintuan ang kulturang kill, kill, kill, ang kultura ng impunity – ang pamana ni Duterte sa mga Pilipino.

Pangulong Duterte, hinalal kang presidente. Hindi ka iniluklok na hari. Hindi ka binigyan ng sukdulang kapangyarihan sa buhay ng lahat ng Pilipino. – Rappler.com

BASAHIN: [EDITORIAL] Ang kulturang kill, kill, kill