[VIDEO EDITORIAL] Gaano kahalang ang kaluluwa ni Duterte? Alamin sa kuwento ni Arturo Lascañas

Bakit mahalagang mapakinggan ang testimonya ng dating pulis-Davao na si Arturo Lascañas? 

Dahil ang kuwento niya ang bintana sa bulok na kaluluwa ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Gamit ang kanyang anti-crime task force na binansagang Davao Death Squad o DDS, nagpatupad ang noo’y Davao mayor na si Duterte ng polisiyang pagpatay sa mga pinaghihinalaang kriminal.

Nasaan na ang mga Davao Death Squad at mga nag-command sa kanila? 

Ang dalawa ay senador na – si Bato dela Rosa at ang boy Friday ni Digong na si Bong Go. 

Andiyan din si Isidro Lapeña, Vicente Danao, Aiden Delvo, Edilberto Leonardo, Dionisio Abude, Antonio Rivera, Royina Garma, Leonardo Felonia, at Simplicio Sagarino. 

Hawak nila o humawak sila ng magagandang posisyon sa gobyerno.

Mahalaga ang testimonya ni Lascañas dahil isa sa mga kandidato sa pagkapangulo si Go. Dahil ang mastermind nila ay naging pinakamataas na opisyal ng bansa. 

Mahalagang mapakinggan ang testimonya ni Lascañas. Dahil ang kuwento niya'y kuwento ng kung paano inulol ni Rodrigo Roa Duterte ang mga Pilipino. – Rappler.com