[VIDEO EDITORIAL] Pulitika muna bago brownout, bago bayan

Habang nangangapa tayo sa dilim ng rotating brownouts, inendoso ng PDP-Laban si Pangulong Rodrigo Duterte bilang kandidato sa pagkabise presidente sa 2022.

Mismong ang kalihim ng Department of Energy na si Alfonso Cusi ang namuno sa pag-eendoso kay Digong.

Umabot sa puntong siniko nila ang acting president ng partido na si Senador Manny Pacquiao, na tutol sa pagpupulong. 

Ayon kay Christian Monsod, isa sa mga sumulat ng 1987 Constitution, ito’y “ingenious and insidious move” para ikutan ang probisyon ng Konstitusyong nagbabawal sa muling pagtakbo ng isang presidente.

Kaya ipinagbawal ng framers ng Konstitusyon ang muling pagtakbo ng isang nakaupong presidente ay dahil sa access niya sa lohistika. 

Ang big picture – malinaw ang priorities ni Cusi: pulitika muna bago tungkulin sa taumbayan. Si Digong muna bago ang lahat. 

Malinaw din ang priorities ni Digong – hindi siya mag-aatubiling babuyin ang Konstitusyon na toilet paper lang para sa kanya.

Hindi tayo ang prayoridad ng administrasyong ito na ibinoto ng nakararami noong 2016. Ang prayoridad nito – maniobrahin ang eleksiyon upang manatali sa poder.

Pero #WeDecide: Atin ang Pilipinas!