Rodrigo Duterte

[VIDEO EDITORIAL] Iwaksi ang mga huwad na bayani

[VIDEO EDITORIAL] Iwaksi ang mga huwad na bayani
Bayani ba si Duterte? Sa katotohonan, siya ang anti-hero ng ating henerasyon. Siya ang simbolo ng incompetence, impunity, at kawalan ng dangal

Nang tumakbo si Rodrigo Duterte bilang pangulo noong 2016, ipinangako niyang “Change is coming.” 

Ang subliminal message: Bayani ‘nyo ako.

Siguro nga binago niya ang buhay natin, pero hindi sa paraang ikatutuwa nating lahat.

Ang maglalatay ay ito: Niyanig ni Duterte ang pundasyon ng ating national values. Para sa kanya:

  • OK lang pumatay. Iniroll-back niya ang pagrespeto sa buhay ng tao at karapatang pantao sa ilalim ng kampanya laban sa droga, kung saan tinatantiyang nasa 27,000 ang namatay. 
  • OK lang mambastos ng babae. Saan ka nakakita ng pangulong humahalik sa mga babae sa entablado at kinakandong sila sa publiko? 
  • OK lang na balasubas ang pambansang ehemplo ng kabataan. Walang sinasanto. Lahat binabalahura. 
  • OK lang magpakalat ng panlilinlang at kasinungalingan. Kung tutuusin, si Duterte ang father of disinformation sa Pilipinas. 
  • OK lang makipagmabutihan sa Tsina kahit binabastos nito ang ating kasarinlan.
  • OK lang kahit itinataboy at pinapalubog ang barko ng ating mga mangingisda.

At ang hindi maitatatwa, lumala ang quality of life natin sa ilalim ni Duterte. 

  • “Warak” ang ekonomiya. Mananatiling mataas ang unemployment at mas maraming taong nasa ilalim ng poverty line hanggang 2022, bilang epekto ng pandemya sa ekonomiya. 
  • Siyam na bilyon ang hindi nagamit sa Bayanihan II funds na malaki sanang tulong sa mahihirap at sa mga frontliner na kapos sa benepisyo.

Didiretsuhin na namin kayo: Bayani ba si Duterte? 

Sa katotohonan, siya ang anti-hero ng ating henerasyon. Siya ang simbolo ng incompetence, impunity, at kawalan ng dangal.

Tigilan na natin ang paghahanap ng bayani. Sa katunayan, ang National Heroes’ Day ay pagpaparangal sa “Sigaw ng Pugad Lawin,” ang sigaw na naging hudyat ng simula ng Rebolusyon ng 1896. 

Hindi ito araw ng mga pinuno – araw ito ng mga karaniwang taong nagpunit ng sedula sa Balintawak.

Araw ito ng mga overseas Filipino worker at frontliner – ang nameless, faceless na mga kababayan nating araw-araw nagtataguyod ng tumatagilid na ekonomiya at papaguhong health system.

Iwaksi ang mga huwad na bayani. Araw ito ng mga taong nagpapanatiling nakasindi ang kandila ng kalayaan sa kanilang mga puso. Araw natin ito. – Rappler.com

BASAHIN: [EDITORIAL] Iwaksi ang mga huwad na bayani