Provide your email for confirmation

Tell us a bit about yourself

country *
province *

why we ask about location

Please provide your email address

Login

To share your thoughts

Don't have an account?

Login with email

Check your inbox

We just sent a link to your inbox. Click the link to continue signing in. Can’t find it? Check your spam & junk mail.

Didn't get a link?

Sign up

Ready to get started

Already have an account?

Sign up with email

By signing up you agree to Rappler’s Terms and Conditions and Privacy

Check your inbox

We just sent a link to your inbox. Click the link to continue registering. Can’t find it? Check your spam & junk mail.

Didn't get a link?

Join Rappler+

How often would you like to pay?

Monthly Subscription

Your payment was interrupted

Exiting the registration flow at this point will mean you will loose your progress

Your payment didn’t go through

Exiting the registration flow at this point will mean you will loose your progress

[OPINION] Tibak and proud

Pasado alas-dos ng madaling araw noong Disyembre 10, 2020 noong iligal kaming arestuhin at tinaniman ng mga baril, granada, at mga bala sa aming opisina. Bandang alas-sais na ng umaga nang makarating kami sa Criminal Investigation and Detection Group-NCR (CIDG-NCR) sa Camp Crame. Apat na oras nang nakaposas ang kamay namin sa likod nang tanggalin ito pagpasok namin ng selda na halos kasing-laki lang ng tatlong cubicle sa restroom ng isang fast-food restaurant.

Ilang oras pa ang binilang bago kami tawagin para sa booking procedure ng mga detainee. Hindi pa rin kami binibigyan ng pagkakataong tawagan ang aming pamilya at abogado. May individual profile na kailangang sagutan at ang pulis na kaharap ko ang nagsusulat sa aking form. 

Nagsimula nang mamaos ang boses ko noon. Sinisingil na ako ng lalamunan ko sa pagsigaw, pagpalag, at pakikipagtalo sa panahong kami ay iligal na inaaresto at tinataniman ng mga ebidensya.

Nagpalitan kami ng tamang sagot ng pulis habang sinusulat niya sa information sheet ko ang detalye.

“Anong trabaho mo?” tanong ng pulis.

“Aktibista po,” sagot ko habang nakatitig sa kanya.

Natigilan siya. Tumitig saglit sa papel at saka nagsulat.

Trabaho ba ang maging aktibista? Propesyon ba ito na maaaring ilagay sa government documents at ID? Mailalagay ba ito bilang work experience sa curriculum vitae?

Kahit sinong nakikilala ng mga aktibista ay kumukunot ang noo kapag nalaman nilang ito ang propesyon namin. Hindi kasi sanay ang lipunan sa trabaho na mayroon kami. Hindi kinikilala o itinuturing na trabaho ang pagiging full-time acitivist dahil kontra-agos ito sa kaayusan.

Ito rin ang naging tanong ng mga manggagawang na-o-organisa namin. Parang mga magulang silang nagtatanong kung ito ba talaga ang trabaho namin, kung paano kami kumakain dahil wala naman kaming sahod, o kung ano ang sabi ng pamilya namin tungkol sa trabahong mayroon kami. 

Bahagi ito ng aming kwentuhan ng mga manggagawa habang umiinom ng 3-in-1 na kapeng pinaghati-hatian namin para makainom ang lahat. Sabi nami’y mas mahalagang pag-usapan kung bakit puro uban ang buhok nila ay hindi pa rin sila regular sa trabaho, bakit wala na silang halos naiuuwing sahod sa mga pamilya nila kahit 12 oras silang nagtatrabaho. Tatango lang sila at hihigop ng kape.

Mga “institusyon” na sa pier ng Maynila ang mga manggagawa na naorganisa namin. Halos isang dekada na silang nagtatrabaho sa Harbour Centre Port Terminal, Inc bilang kontraktwal na mga manggagawa. Buwan ang hinihintay nila bago makasahod kaya napipilitan silang isangla ang kanilang sahod gamit ang mga kontrata nila sa mga barkong sinasampahan nila. 

Ang dapat na sinasahod nila mula sa 12 oras na pagtatrabaho sa pier sa isang araw ay nasa P750 ngunit dahil isinasangla nila ang kanilang sahod ay nasa P350-P500 na lang ang naiuuwi nila sa kanilang pamilya.

Delikado ang trabaho bilang estiba o dock worker dahil sila ang nagdidiskarga ng mga malalaking bakal, troso, bigas, at iba pang mabibigat na mga kargamento. Minsan ay naaksidente sa barko ang isang manggagawa dahil bumagsak ang nililipat nilang kargamento. Dinala siya sa ospital at binigyan lang ng pambili ng mefenamic acid ng management ng kompanya.

Itinayo ang kanilang samahang manggagawa at inilaban namin ang kanilang kalagayan. Ilang beses naming nakaharap si Labor Secretary Silvestre Bello III, Usec Joel Maglunsod, at mga opisyales ng Department of Labor and Employment (DOLE-NCR) bungsod ng mga protesta, hearing, case conferences, at mga dialogue.

Mula DOLE hanggang korte, naipanalo ng mga manggagawa ang desisyong nag-uutos sa management gawing regular ang nasa 380 manggagawa ng Harbour Centre. Sa gitna ng pandemya, natanggap ng mga manggagawa ang money claims nila mula sa underpayment of wages ng management sa kanila na aabot ng P29 million.

Hindi nalalayo sa kalagayan ng mga mangggagawa sa pier ang kalagayan ng mga manggagawang kababaihan ng sardinasan. Nasa dalawang dekada nang kontraktwal ang mga manggagawa sa pagawaan. Sa loob ng 12 oras na pagtatrabaho, sumasahod lang sila ng nasa P300 kada araw. Hindi na nga nakakatanggap ng wastong sahod at benepisyo sila pa ang nagpo-provide ng mga kagamitan nila sa produksyon.

Itinayo rin ang samahang manggagawa sa Unipak sardines. Nagkamit rin sila ng paborableng desisyon mula sa DOLE na idinedeklara silang mga regular na mga manggagawa sa management at dapat bayaran ang kanilang underpayment of wages na aabot sa P6 milyon.

Ngunit tulad ng maraming manggagawang Pilipino, tinanggal sa trabaho ang mga manggagawang lumalaban. Bilang tugon, itinayo nila ang kanilang kampuhan. Kasabay nito ang kampuhan ng mga manggagawang tinanggal mula sa PLDT, Jollibee, Monde Nissin, at iba pa. 

Naglunsad din ng mga welga ang mga manggagawang naorganisa namin mula sa warehouse ng Super8 na chain ng mga grocery at sa Regent Foods Corporation na pagawaan ng mga cupcake at chichiryang parehong matatagpuan sa Pasig City. Sa kabila ng marahas na pagbuwag sa picket line, nagpapatuloy pa rin ang labang makabalik sila sa trabaho at maipatupad din ang regularisasyon ng nasa 200 manggagawa at kaakibat na money claims.

Dismayado ang mga manggagawa sa mga bigong pangako ni Duterte. Sa halip na maging regular sila sa pagawaan ay mas naging regular pa ang tanggalan sa trabaho, lalo na sa hanay ng mga manggagawang lumalaban.

Ang mga magkakasunod na laban at tagumpay ng mga manggagawa at ang kanilang paniningil sa mga bigong pangako ni Duterte ang dahilan kung bakit mabangis ito sa mga manggagawang Pilipino. Walang habas na ire-red tag ang mga unyonista, inaaresto, sinasampahan ng mga gawa-gawang kaso, hina-harass sa kanilang mga bahay at pagawaan, at target para sa extrajudicial killings.

Bago kami inaresto ay ilang ulat na ng harassment laban sa aming lider-unyon at organisador ang naitala lalo na sa mga direkta naming ino-organisa.

Istorikal ang paglaban ng mga manggagawa sa bansa. Panahon pa lang ng mga dayuhang mananakop ay nagaganap na ang mga welga at paglaban ng kilusang paggawa. Sa mga daungan, perokaril, at imprenta. Sila rin ang gulugod ng mga rebolusyon laban sa mga mananakop. Sa gitna ng mga digmaang sibil sa panahon ng Filipino-Spanish War, Filipino-American War, hanggang sa kasalukuyang state of belligerency ng New People’s Army at ang rehimeng Duterte, ay nagwewelga at lumalaban ang mga manggagawa laban sa brutalidad ng kapital at estado. Kung kaya hindi lang ito usapin kung sino ang presidente, kundi ang tagibang at mapang-aping sistema para sa mga manggagawang itinaguyod ng mga umuupong rehimen.

Hindi isang beses lang na may nagsabi sa aking tumigil na ako sa pagiging aktibista, na sapat na ang naiambag ko para sa bayan, na isipin ko rin ang sarili ko lalo na noong inaresto ang mga kasamahan namin sa “Manila 5” na sina Michael Bartolome (Kadamay-Metro Manila), Cora Agovida (Gabriela Metro Manila), Ram Carlo Bautista (Bayan-Manila), Alma Moran (Manila Workers Unity), at Reina Mae Nasino (Kadamay-Manila) noong 2019. 

Sa ganitong sirkumstansya ko naalala yung mga bagay na nakakapagpanatili sa akin – ’yung panahong nasaksihan ko kung paano pinagtutulungan ng mga abogado, management, at ahensya ng pamahalaan ang mga manggagawa nila, ’yung panahong ipinagbabaon kami ng pagkain ng mga manggagawa kahit wala silang pera, o kaya ’yung panahong nakikita namin ’yung ngiti ng mga manggagawa nang matanggap nila ang pagkilala ng regularisasyon at ang milyun-milyong sahod na ipinagkait sa kanila ng mga kapitalista na nakamit nila dahil lumaban sila ng sama-sama.

Higit pa sa propesyon ang pagiging aktibista. Buhay namin ito. Kahit sa mga kasama naming gusto o kaya na magpahinga sa pagkilos, sinasabi ko sa kanila na nakita ko na ’yung gusto kong gawin sa buhay.

Kaya nang tanungin kami sa interrogation na kung sakaling matapos ang kaso namin at nakalaya kami ay babalik kami sa pagkilos, ang sagot namin: “Oo.” – Rappler.com

Si Romina Astudillo ay ang deputy secretary-general ng Kilusang Mayo Uno-National Capital Region. Kabilang siya sa tinaguriang “Human Rights Day 7” o ang mga aktibistang nire-red tag, inaresto, at sinamapahan ng gawa-gawang kaso noong December 10, 2020.