Laffler Talk podcast

[PODCAST] Laffler Talk TALAkayan: Written in the stars

[PODCAST] Laffler Talk TALAkayan: Written in the stars
Sino ba sina Chito, Michael, at Tristan, ayon sa kanilang mga bituin, buwan, at planeta?

Pakinggan sa: Spotify | Apple Podcasts | Google Podcasts

Ayon sa astrolohiya, ang ugali at pagkatao natin ay nakaukit sa buwan, mga bituin, at mga planeta.

Para masubukan ito, inimbita nina Chito, Michael, at Tristan si Cesd Monsada, na babad sa astrology, para “basahin” ang kanilang birth chart.

Spoiler alert! Revealing ang episode na ito ng Laffler Talk. Maging ang 3 ka-Laffler ay namangha!

Ikinuwento rin ni Cesd kung paano nagsimula ang kanyang hilig sa astrology. Ipinaliwanag din niya ang kahulugan ng mga sun sign, moon sign, at rising sign, at kung ano ang ibig sabihin ng mga kombinasyon nito. – Rappler.com