Laffler Talk podcast

[PODCAST] Laffler Talk: Kuwentuhang Kagitingan at Kasaysayan

[PODCAST] Laffler Talk: Kuwentuhang Kagitingan at Kasaysayan
Ano na ba ang kahulugan at sukatan ng pagiging magiting sa panahong ito?

Pakinggan sa: Spotify | Apple Podcasts | Google Podcasts

Sa giyera man o krisis, lahat tayo’y humahanap ng lakas ng loob para harapin ang mga problema at magpatuloy sa buhay, para sa sarili natin at sa ating mga mahal.

Ano na nga ba ang kahulugan ng pagiging magiting? Tulad pa rin ba ng dati? O iba na ang sukatan ngayon, lalo na sa gitna ng pandemya?

Sa episode na ito ng Laffler Talk sa Araw ng Kagitingan, nagbigay-pugay sina Chito, Michael, at Tristan sa lahat ng matatapang at matatatag mula noon hanggang ngayon.

May kaunting kumustahan din sa ginawa nilang tatlo noong nakaraang Holy Week. – Rappler.com