Laffler Talk podcast

[PODCAST] Laffler Talk: Kaka-Pasko lang, July na agad?

[PODCAST] Laffler Talk: Kaka-Pasko lang, July na agad?
Isang look-back sa nakaraang anim na buwan ng 2021, at mga inaasam-asam sa susunod na anim, kasama ang aming podcast producer na si Jaira Roxas

Pakinggan sa: Spotify | Apple Podcasts | Google Podcasts

Kung totoong time flies, tila yata nakasakay ito sa isang rocket kung kumaripas.

Para kasing, sa isang iglap, anim na buwan na pala ang lumipas sa 2021. ‘Di ba kaka-Pasko pa lang? July na pala!

Ang episode na ito ng Laffler Talk ay balik-tanaw sa patuloy na adjustments sa buhay at trabaho sa gitna ng pandemya sa loob ng nakaraang anim na buwan. 

Kinulit nina Chito, Michael, at Tristan ang lagi nilang nakakasama behind the scenes sa bawat podcast episode, ang kanilang producer na si Jaira Roxas.

Napag-usapan din ang mga gusto nilang mangyari at maranasan muli sa nalalabing mga buwan ng 2021, habang nagsisimula nang kumilos ang lahat tungo sa sana ay post-pandemic life na. – Rappler.com