Laffler Talk podcast

[PODCAST] Laffler Talk: Love-ler Talk – Post-Valentine’s Day kwentuhan

[PODCAST] Laffler Talk: Love-ler Talk – Post-Valentine’s Day kwentuhan
Tuloy ang pag-ibig kahit pandemic. Masayang kamustahan kasama ang aming guest na si Happy!

Pakinggan din sa: Spotify | SoundcloudApple Podcasts | Google Podcasts

Sa ngalan ng pag-ibig, lahat hahamakin kahit pandemic. Magkasama man sa iisang bahay o magkalayo dahil sa lockdown, tayo ay humahanap ng paraan para tuluy-tuloy ang pagmamahalan.

Kahit nakaraan na ang Valentine’s Day, araw-araw dapat nating ipinaparamdam sa ating mga sinisinta na sila’y ay mahalaga.

Kaya naman sa episode na ito ng Laffler Talk, kasama nina Chito, Tristan, at Michael ang kanilang guest na si Happy para sa isang masayang kwentuhan tungkol sa pag-ibig sa panahon ng pandemya.

Binasa din nila – at sinubukang i-internalize – ang ilang hugot lines mula sa pelikula, libro, at iba pa.

Heto ang ilang patikim mula sa episode na ito:

Tristan: Ang love, ang sabi din, it gets to a point na it’s not about the big gestures, but rather the little things, the little experiences.

Chito: In fact, the imperfection is the one that makes [love] perfect.

Happy: I didn’t realize that when you get married, your palate expands.
Michael: So in short, in love, nagpapalit ang palate natin, ganun?

Rappler.com

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.