SUMMARY
This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.
![[PODCAST] Laffler Talk: Peliku-lockdown](https://www.rappler.com/tachyon/2021/01/laffler-talk-s2e2-peliku-lockdown-sq.jpg)
Pakinggan din sa: Spotify | Soundcloud | Apple Podcasts | Google Podcasts
Dahil sa COVID-19 pandemic, napilitan tayong mag-stay at home. Ang trabaho at pag-aaral, ang pagkain at pagtulog, sa iisang lugar na lang nangyayari lahat.
Pati ang mga panlaban natin sa stress, sa loob na rin ng bahay hinuhugot. Isang click lang sa remote o sa smartphone, “nakakalaya” ang isip natin kahit saglit lamang. Salamat sa mga pelikula at TV series na ating pinanood at sinubaybayan.
Sa bagong episode ng Laffler Talk, alamin ang mga palabas na na-binge watch nina Chito, Michael, at Tristan, pati na rin ng ilang tagapakinig habang nasa loob ng kanya-kanyang tahanan.
Sinagot rin nila ang tanong na: Kung isang pelikula ang lockdown, ano ang bagay na title nito?
Heto pa ang ilang patikim sa episode na ito:
(Michael lists down his lockdown playlist)
Tristan: From restaurants to restoration.
Tristan: Ang napanood daw niya ay Taco Chronicles… Baka food show ‘to. Alam mo ba ‘to, Mike?
(moments later)
Michael: Hayun, nakita ko na. Ano siya, sa bilyar. (tongue-in-cheek)
Chito: ‘Yung isa, tungkol sa mga ending, diba? Ah, The Post. Tapos pala ‘yun.
Mapapakinggan ang Laffler Talk every other Friday sa inyong paboritong podcast player. – Rappler.com
There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.