Laffler Talk podcast

[PODCAST] Laffler Talk: Sobra, kulang, sakto: Saan napunta ang suweldo mo?

[PODCAST] Laffler Talk: Sobra, kulang, sakto: Saan napunta ang suweldo mo?
Isa ka ba sa nakararaming nagtatakang bakit ganoon kabilis maubos ang suweldo?

Pakinggan sa: Spotify | Apple Podcasts | Google Podcasts

Isa o dalawang beses kada buwan, kakaibang saya ang ating nararamdaman. Pero sa karamihan, panandaliang kaligayahan – isang kisapmata lang. Sabi nga sa kanta, tila pag-alis nito’y ganoon din kabilis.

Iyan ang suweldo feels na nadarama ng marami sa atin.

Iba-iba ang ating dinaraanan kapag dumarating na ang pinaghirapan nating suweldo. Minsan nasusulit, minsan may naitatabi, minsan ay parang dumaan lang sa palad natin.

Kasabay pa niyan ang mga online shopping craze. Aakitin ka ng mga bagsak presyo items at good deals kaya “nabubudol” o napapa “send to cart” ka nang wala sa plano.

Saan nga ba napupunta ang ating hard-earned money tuwing payday? Iyan ang pinag-usapan nina Michael, Chito, at Tristan sa episode na ito ng Laffler Talk. – Rappler.com