Laffler Talk podcast

[PODCAST] Laffler Talk: Sino ang tunay na bayani ng Mactan?

[PODCAST] Laffler Talk: Sino ang tunay na bayani ng Mactan?
Si Lapulapu ang bida sa episode na ito, at panauhin si Rappler Cebu bureau lead Ryan Macasero

Pakinggan sa: Spotify | Apple Podcasts | Google Podcasts

Limang siglo na nating alam ang kuwentong si Lapulapu ng Mactan ang pumaslang sa Portuguese conquistadore na si Ferdinand Magellan sa isang sagupaan noong Abril 27, 1521.

Pero bakit biglang may ibang bersiyon na lumitaw sa anibersaryo pa mismo ng makasaysayang labanan? At sa Lapu-Lapu City pa ito umalingawngaw, sa lungsod na ipinangalan sa mismong bayani? Tausug at taga-Mindanao raw si Lapulapu, sabi ni Senator Bong Go. (Fact check: Mali!

May nakisabay pang social media post ng isang bise gobernador na nagsabing si Magellan ang bayani sa Battle of Mactan.

Inalam nina Chito, Michael, at Tristan ang reaksiyon ng mga taga-Lapu-Lapu City at Cebu province sa lahat ng ito mula kay Ryan Macasero, ang namamahala sa Cebu bureau ng Rappler.

Napag-usapan din nila ang iba’t ibang bagay na proudly Cebuano. – Rappler.com