SUMMARY
This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.
![[PODCAST] Love of Country: Pilipinas o Filipinas? Usapang wika kasama si Rio Alma](https://www.rappler.com/tachyon/2021/08/love-of-country-podcast-sq.jpg)
Pilipinas o Filipinas? Pilipino o Filipino?
Nasa proseso pa ang bansa ng pagpapaunlad ng Filipino bilang pambansang wika at pagpapanatiling buhay ng mga katutubong wika ng mga rehiyon. Pero maganda ring tuklasin paano nakakasabay ang lengguwahe sa panahon.
Sa podcast episode na ito, makakasama ng Rappler ang Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan na si Virgilio S. Almario – kilala sa sagisag-panulat na Rio Alma.
Sa panahon ng kanyang panunungkulan bilang tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino, nagsagawa at sumuporta si Almario ng maraming saliksik, workshop, at proyekto na naglayong pagyamanin ang Filipino at regional languages.
Hindi kailangang maging matatas sa Filipino, ang mahalaga ay marunong magpaliwanag. Sa pagsasalin, huwag hanapin ang katumbas na salita, kundi hanapin kung paano ipapaliwanag sa tao.
Virgilio S. Almario
Kasama sa kuwentuhang ito sina Rappler head of investigations Miriam Grace A. Go, news editor Paterno Esmaquel II, desk editor Jee Geronimo, at data curator Michael Bueza.
Sundan ang Love of Country sa Spotify, Google podcasts, at Apple podcasts. – Rappler.com
![[PODCAST] Love of Country: Pilipinas o Filipinas? Usapang wika kasama si Rio Alma](https://img.youtube.com/vi/_4o9Ok4XaG4/sddefault.jpg)
There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.