SUMMARY
This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.
Una sa dalawang bahaging kolum.
Naisip ko, ganito ba talaga kabobo ang tingin sa ating mga Pinoy ng mga opisyal ng China at pati na ang ating Pangulo ay gustong harap-harapan pa na bilugin ang ulo o matagal nang nabilog?Nang alukin si Pangulong Rodrigo R. Duterte ng isang mataas na opisyal ng bansang China na bibigyan siya nito ng cellular phone na umanoây hindi maaring i-monitor, nanlaki ang mga mata ko at napabulong : âLokohin mo lelong nâyo at ikuwento na lang ‘yan sa pagong!â
Mabuti na lang at todo tanggi si Pangulong Duterte sa ibinibigay na cellular phone, dahil kundi, napipiho kong hanggang tenga ang ngisi ng mga opisyal ng China sa paglabas nito sa Palasyo ng Malacañang. Â
Sa ganang akin kasi, kundi pambobola ay panlalamang na naman ito â dahil alam na alam kong sa modernong teknolohiya sa ngayon, napaka-imposible na magkaroon ng cellular phone na makaliligtas sa matinding âeavesdroppingâ o monitoring, lalo pa ngaât target ang gadget na ito, ng isang malawakang âespionage operationsâ ng intelligence community ng isang bansa.
Wiretapping
Mabigat ba sa mata at tenga nâyo ang sinabi ko? Pâwes pagaanin natin, ganito kasi ‘yan.Â
Noong dekada 70 hanggang kalagitnaan ng dekada 80, ang tawag sa âmonitoringâ o pakikinig sa mga nag-uusap sa magkabilang linya ng landline telephone ay âwiretappingâ.Â
May ikinakabit (isinasabit) sa mga kable o âaudio lineâ â na gustong mapakinggan ang nag-uusap â na aparato na kung tawagin ay âblack boxâ at sa isang iglap ay âpwede nang mai-record at mapakinggan ang usapan sa naturang linya. Sa situwasyon na ganito â ang tawag sa linya ay naka-âwiretappedâ na!
Nitong kalagitnaan ng dekada 80, ang pagre-record ay ‘di na kailangan pang bantayan, dahil sa tulong ng isang voice activated tape recorder â na kusang umaandar para mag-record kapag may narinig na boses, at namamatay naman kapag tumahimik na ang linya â na ikinakabit sa âblack boxâ na nakasabit naman sa kable ng teleponong subject ng âwiretappingâ operations.
Ang âwiretappingâ ay iligal â violation ito sa privacy ng indibidwal â kaya ang palusot ng mga kaibigan kong matitinik na operatibang pulis, basta ‘wag lang pahuhuli habang ginagawa ito, kahit na upang kunan ng ebidensiya ang isang notorious na kriminal. Dahil sa oras na mahuli ka, tapos ang maliligayang araw mo bilang isang operatiba!
Mahirap itanggi ang katotohanan na matagal nang ginamit ito ng mga operatiba na kung tawagin ay âtechnical operativesâ ng military, police, at maging ng mga pribadong âsecurity and investigation agencyâ upang mangalap ng impormasyong makatutulong sa imbestigasyon ng kasong kanilang hinahawakan â ngunit hindi upang gawin itong ebidensiya sa korte.
Maaari namang maging ligal ang paggamit ng âwiretappingâ ng mga operatiba â hihingi lang ng pahintulot sa husgado â subalit mas madalas na ‘di nila ito ginagawa sa takot na mag-leak ang kanilang tinatrabaho at mabulilyaso lamang.
Mahabang paliwanagan kung bakit hindi ito maaaring gamitin na ebidensiya sa korte. Basta ang alam ko na madalas kong marinig sa mga kaibigan kong matitinik na abugadong imbestigador ay dahil sa âlegal doctrineâ na â âFruits of the poisonous treeâ. Â
Ang isang kaso ng âwiretappingâ na napatanyag dalawang dekada na ang nakararaan, ay ang âHello Garci tapes,â na naging dahilan upang humingi ng paumanhin sa sambayanang Pilipino ang nakaupong pangulo noon na si Gloria Macapagal Arroyo.
Landline to cellular phones
Medyo nabawasan ang pagwa-wiretap nang maglabasan ang mga âanalog cell phoneâ â ito ang first generation cellphone noong 1983 at tinawag itong AMPS (Advanced Mobile Phone) â dahil hindi na kailangan ang black box para i-monitor ito.Â
Maliban na lamang kung ang nag-uusap ay nasa cellphone sa isang linya at landline naman sa kabilang linya â ganito sa palagay ko ang nangyari sa âHello Garci tapeâ — dahil pwede pa ring magsabit ng blackbox sa linya ng may landline, gaya nang ginawa ng operatibang umamin na siya ang nagsabit ng blackbox sa linya ng landline na tinawagan gamit ang cellphone mula sa Malacañang. Â
Ngunit ‘di naman ito nangangahulugan na âyung âanalog cell phoneâ ay âdi maaaring ma-monitor, pwedeng-pwede nguniât di na nga lang âwiretappingâ ang dapat itawag dito â wala naman kasing wire na sasabitan dito â bagkus ay âinterceptionâ na lang ito ng kung tawagin ay âaudio signalâ o mga tunog na gaya ng naririnig natin sa mga radio set sa bahay.
Kung pamilyar kayo sa tinatawag na VHF radio transceiver â yung gadget noon na kapag ginagamit ay madalas mong maririnig ang mga salitang 10-4 saka over-over â halos kapareho lang ito ng mga naglabasang cellphones noon. Pareho ang mga ito na namo-monitor gamit ang gadget na kung tawagin ay âscannerâ dahil tumatakbo ang âaudio wavesâ nito sa halos magkakadikit na âfrequency bandâ.Â
Yun lang, mas mataas ang âfrequency bandâ ng mga cellphone kumpara sa mga VHF transceiver kayaât mas malinaw pakinggan ang pag-uusap sa cellphones. Kung baga â parang paghahambing ito sa malinaw na audio ng FM radio kesa sa mga AM radio.
Analog to GSM
Ngunit naiba ang sistemang ito nang ang dating âanalog communication gadgetsâ na mga madaling ma-monitor, ay napalitan ng bagong system na kung tawagin ay GSM – pinaikling salita ng âGroupe SpĂ©cial Mobileâ na sa huli ay tinawag na âGlobal System for Mobile communicationsâ o ang digital cell phone na mas kilala ngayon bilang mga smart phone. (Sundan ang huling yugto)  â Rappler.com
Ikalawang bahagi
[OPINYON | STAKEOUT] Mga makabagong paraan ng pag-espiya
Â
Add a comment
How does this make you feel?
There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.