Benigno Aquino III

FULL TEXT: Father Jett Villarin’s homily for Noynoy Aquino’s wake

Jose Ramon Villarin

This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.

FULL TEXT: Father Jett Villarin’s homily for Noynoy Aquino’s wake

LEGACY. Fr. Jett Villarin delivers his homily during the wake of former president Benigno Aquino III.

Angie de Silva/Rappler

Ang broken heart ng bayan, lalo pang nagagasgasan ngayon ng gaspang, ng dahas na walang pinagpipitagan, ang karahasan at pananakot na panakip-butas lamang sa malalim at laganap na kahinaan

Editor’s note: Former Ateneo de Manila University president Father Jose Ramon “Jett” T. Villarin delivered this homily during the wake of former president Benigno Aquino III on Friday, June 25. This is the prepared text of his homily.

Tinext ko si Noy nung May 16, Ascension. Sabi ko:

Jett Villarin (JTV): Pre, Ascension ngayon. Nawa’y akayin kang umahon ng ating Poon.

Noy: His will and intention be done. Jett, hindi ako nagpapadalaw sa ospital. Baka matsambahan pa ng Covid. Salamat sa alok.

JTV: Nauunawaan ko. Kaya pray from home na lang ako for you. Ingat lagi.

Tapos, makalawa, pagkaraan ng kanyang angio procedure, kinumusta siya muli nung 18 May:

JTV: Pre, kumusta ka na after your angiogram?

Noy: They discovered a blockage between 70-80%. In a good position for access. Massive relief after. This was the best outcome possible. Thank you for the prayers.

JTV: Ay galíng. Natanggal ang bara. Hinga nang malalim. Mabait ang Diyos.

Noy: The heart got enlarged because it was working so hard to remove the fluid because efficiency was down due to blockage.

JTV: Kaya pala stouthearted ka. 🙂 Sige, now the heart can rest. (Kung makina pa yan, nag overheat na o kumatok sa baradong karburador.) Pahinga ka pa at hayaan mong humilom ang puso.

Noy:Yung isang klaseng broken heart, hindi kaya dito.

“Yung isang klaseng broken heart, hindi kaya dito.”

Broken heart. Isa lamang ako sa maraming nakamalas sa kabiguan ng kanyang puso. At hindi lamang dahil sa kanyang love life, na inihalintulad niya sa Coke Zero. Pangulo siya, pero ilang beses siyang nakatikim ng talo.

May mga hapon na ibinuhos niya sa amin ni Cardinal Chito Tagle ang tampo niya sa simbahan o sa mga Heswita, o ang kanyang isyu sa sistema ng katarungan sa bansa (hindi lang sa Korte Suprema).

FULL TEXT: Father Jett Villarin’s homily for Noynoy Aquino’s wake

Naroon lagi ang tampo sa bagal ng kilos, sa kupad ng takbo ng pag-unlad ng bansa. Yung A sa DAP (Disbursement Acceleration Program) na hindi man nakalipad ay acceleration, arangkada.

Noong iprinisenta naming mga Heswita ang aming wishlist sa kanya (tungkol sa pagkokotong at kung anu-anong katiwalian di lang sa customs, tungkol sa pagyurak ng kalikasan, sa kalidad ng edukasyon, at iba pa), ayun, nagtetext s’ya.

“Ano ba ito?” sabi ko, hindi nakikinig. ‘Yun pala tini-text na ‘yung secretary of energy o finance o DILG (Department of the Interior and Local Government), real time, para sagutin o aksyunan na ang aming mga hinaing.

Madali siyang mainip at magalit, lalo na kung hindi mo nagawa ang homework mo o malabo ka mag-isip.

Minsan, pagkatapos makipag-meeting sa kanya, pinasit-in ako sa kanto ng kuwarto, habang pinulong niya ang kanyang gabinete.

Habang pinagmamasdan ko sila, naalala ko ang mga araw namin sa kolehiyo, dito sa Ateneo, nung kami’y mga student leaders sa Sanggunian.

Doon pa lamang sa aming kabataan, natuto na kaming makipagbakbakan, walang personalan, basta para sa kapakanan ng kalahatan. Pagkatapos ng meeting, pinasalamatan ako ng ilan sa Cabinet at sabi kung puwede raw dalas-dalasan ko ang sit-in, kasi hindi daw sila gaanong pinagagalitan.

“‘Yung isang klaseng broken heart, hindi kaya dito.”

Kung broken-hearted siya, alam kong dahil hatî rin ang puso ng bayan. Ang dalamhati ng bayan, dala-dala rin ng taong ito.

Minsan palabiro naming tinanong si Brother Armin [Luistro], bakit mo pinagtitiyagaan na maglingkod sa kanyang gabinete?

Simple lamang ang sagot ni Brother: Anupaman ang kanyang kahinaan, ‘pag may desisyon na dapat gawin, ang huling tinatanong lagi ng pangulo sa kanila: Paano maaapektuhan ang mga mahihirap [sa] desisyong gagawin natin? How will this decision affect the poor? Kung ganoon magtanong ang pinuno, paano nga naman hindi ka maeenganyo?

Ang broken heart ng taong ito, nasobrahan din ng broken heart ng taumbayan.

Minsan nasa Palawan kami para itaguyod ang underground river at ang kalikasan. Sabit lang ako, akala ko joyride, pero napagod ako sa kung sinu-sinong binisita, pati ‘yung pamilya ni Dr. Gerry Ortega na pinaslang dahil sa kanyang pagtanggol sa kalikasan.

Ang broken heart ng bayan, lalo pang nagagasgasan ngayon ng gaspang, ng dahas na walang pinagpipitagan, ang karahasan at pananakot na panakip-butas lamang sa malalim at laganap na kahinaan.

Ang broken heart ng taong ito, ang broken heart ng ating bayan, hindi kaya dito.

Mukhang hindi nga kakayanin dito. Dumirito at gumagapang, pasimple at pahaging, ang pamamanhid ng puso, ang paglimot sa magiting na nakalipas, ang paghagis ng dignidad ng kapwa, ang pagdududa sa kabutihan, at pangangalyo at pangangapal ng puso.

Pero Noy, kung nakikinig ka ngayon, at alam kong naririnig mo ako, wala namang wang-wang ang tunay na kabutihan, ‘di ba? Hindi kailangang i-wang-wang ang katotohanan kahit matinis kung umingay ang kasinungalingan.

Ikaw mismo ang nagpamana ng pagsupil ng wang-wang sa ating lipunan. Kutob mo, kutob ng bayan, kutob ni Kristo: Ang kapangyarihan ay para sa mga salat sa kapangyarihan.

“‘Yung isang klaseng broken heart, hindi kaya dito.”

Second to the last text mo ito sa akin. Ang naisagot ko na lang:

JTV: Eh, ‘di magpaka-stouthearted na lang, anupaman.

At heto, humirit ka pa, iyong kahuli-hulihang linya:
Noy: Sa grade school hamburger umasa at may pag-asa.

Noy, ang huling pangungusap mo sa akin, pagkain. Pagkatapos sabihing ang broken heart, hindi kakayanin, nagawa mo pang balikan ang iyong kabataan at ang mga pook ng sariwang pag-alaga at ligaya.

Ang broken heart, di kakayanin. Pero kung may grade school hamburger, may pag-asa.

Noy, sa grade school, wala na ‘yung hamburger. Siguro diyan sa langit, marami, ewan.

Kung nakakahinga ka na nang malalim, alam kong sa langit, gutom ka pa rin at brokenhearted para sa amin.

Mapalad ang dukhang kalooban, sa kanila raw ang Kanyang kaharian.

Noy, ikaw naman ngayon, pray from home, pray from heaven, ikaw naman para sa amin ang manalangin. – Rappler.com

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.

Summarize this article with AI

How does this make you feel?

Loading
Download the Rappler App!