Provide your email for confirmation

Tell us a bit about yourself

country *
province *

why we ask about location

Please provide your email address

Login

To share your thoughts

Don't have an account?

Login with email

Check your inbox

We just sent a link to your inbox. Click the link to continue signing in. Can’t find it? Check your spam & junk mail.

Didn't get a link?

Sign up

Ready to get started

Already have an account?

Sign up with email

By signing up you agree to Rappler’s Terms and Conditions and Privacy

Check your inbox

We just sent a link to your inbox. Click the link to continue registering. Can’t find it? Check your spam & junk mail.

Didn't get a link?

Join Rappler+

How often would you like to pay?

Monthly Subscription

Your payment was interrupted

Exiting the registration flow at this point will mean you will loose your progress

Your payment didn’t go through

Exiting the registration flow at this point will mean you will loose your progress

[OPINYON] #TrendingWars

Lason o noxious liquids ang kahulugan ng virus, na isang antigong salitang Latin na hindi halos nagbago ang baybay at ang kahulugan hanggang ngayon. Pero alam din naman nating lahat na hindi na lamang ultra-microscopic pathogens na handang manalanta sa pamamagitan ng pag-impeksyon sa katawang-lupa natin ang kahulugan ng virus ngayon. Nag-diversify na rin ang kahulugan nito. Kahulugang nagmula sa elemento nitong mabilis kumalat o makahawa — ang maging viral — o pwede ring lumason ng isipan. Mabalasik. 

Gayunman, hindi pinapayagan ng pagiging “doctor” ko ang pagtalakay pa ng usaping medikal na may kinalaman sa virus. Lalo’t sinasalanta pa rin tayo ng virus na may orihinal na kahulugan. Hindi na dapat ako makihalong kalamay dahil sa totoo lang, ni hindi ko nga alam anatomic shade of a difference sa pagitan ng systolic at diastolic, sa virus at pathogens pa kaya? Basta 120/80 ang blood pressure ko ngayong isinusulat ito, ayos na. Hanggang doon lang ang alam ko. 

My being a doctor of that sampu-samperang PhD kind only allows me to dissect viral issues in the new and traditional media platform, pati na ang kasalukuyang connotative meaning of virus sa software at gadgets. Even then, having a three-letter academic suffix is not a guarantee that I can articulate every thing that you need to fathom about this e-virality. 

Ang totoo, there is no exclusivity in discussing the media virus unlike, say, the virus of the medical genus which can only be discussed, and to be relied upon, if coming from medical experts, o sa lagay ng bansa natin, coming from powerful retired military generals. 

Samantala, kahit sino pwedeng magtalakay tungkol sa viral sa Internet, lalo ang mga tungkol sa trending. Lahat halos uubrang makisawsaw. Kahit walang mapagpanggap na academic title, kahit bata o matanda, barbero man o abogado, kahit sino, even a barong-garbed honorable congressman in Batasan, can say something about viral and trending. Minsan nga, sila pa ang paksa ng viral and trending topics.

Viral at trending

Isang bantog na sociologist na Pranses, si Jean Baudrillard, ang unang gumamit ng term na “viral” palayo sa epidemiological denotation nito. In his 1988 iconic treatise, “Simulacra and Simulation,”  ginamit niya ang salitang “viral” para ilarawan ang telebisyon bilang virality, na pinapasok nito ang loob ng tahanan, ang mga silid, ang mga hapag-kainan, na parang impeksyon.

Namatay si Baudrillard nang hindi nasasaksihan ang virality at trending sa social media. Hindi niya nalaman ang iba’t ibang media platforms na kinahuhumalingan natin, na kumakalat na parang virus. Hindi niya nasaksihan ang pagkakalat ng viral messages gamit ang smartphones. Ang pagkakaroon natin ng laptop at tablet na conduit sa pagpapakalat. 

Viral, as in, nag-viral na photo o social media post, o viral video, halimbawa ng isang pusang kumakanta na ini-upload ng isang netizen. Ang mga trending topics sa social na pinalaganap natin, sadya man o hindi. Trending kapag sinabi ng Twitter dahil sa dami ng gumamit ng hashtag. 

Numbers game?

Numero ang batayan ng viral posts, mostly by the thousands or millions of likes or shares para matawag na nagtre-trending. Maaaring sa bansa lang natin nag-trending, sa isang partikular na oras o araw, o maaaring sa buong mundo lalo’t ang isyu ay nakaaapekto sa sandaigdigan.

O eh ano naman kung nag-trending? Pini-pick-up kasi ng balita, nagkakaroon ng legitimacy bilang napapanahong isyu. Lalong mag-aapoy, lalong pag-uusapan, at dahil kumakalat sa social media, lalong pinagchichismisan. Madalas, itong mga trending na ito ay ikinagagalit din ng mga maninipis na politikong may makakapal na mukha lalo’t organic ang pag-trending, o iyong mistulang walang concerted effort buhat sa mga legitimate social media accounts (read: hindi troll farm-initiated). Hindi ipinanawagan o ikinampanya para mag-trending. Basta marami na lang nakapansin, ginamit ang hashtag, kaya binilang.

May positibo rin sa trending. It can call attention, especially the “Huli sa CCTV” news segment and packaging slant; and the many inspirational stories of love, triumph, success at kahit anong nahuli sa smartphone cam. 

Professionals and social media entreps tried to explain and dig deeper into the algorithm and the factors that make a post or an issue organically viral and trending, but of course to no avail. For the simple reason that social media platforms like Facebook now charge for their news feed visibility to certain demographics. Sino ba ang target audience mo? Doon nila ilalabas. Tagasaan? Kasi doon nila iyon ipapakita. Ano ang age group? Ibubukas nila iyon sa lahat ng gusto mong pagkakategorya, basta may pambayad ka. O kaya, mag-alaga ka ng sangkaterbang FB groups na may sangkaterbang miyembrong maaaring ipinunla ng enterprising troll farms. Pero hinding-hindi ito organic. Kaya nga nililinis ng Facebook from time to time.

Kaya sa panahong ito, hindi nakapagtatakang makakita na tayo ng mga politikong dati namang walang social media presence. O kung mayroon man, ngayon ay nangangarap ng organic sharing and trending.

Be aware. Halimbawa, naglalabas na ng memes ang isang prominenteng politikong alam naman nating lahat na may ambisyong maluklok sa senado. Replete with logo at nagbabagong messages. Memeable. Napakadaling i-Photoshop ng gusto mong ipalit na mensahe sa meme. Parang sinadyang maging edit-frendly. 

Ang technique, maximizing social media exposure and name recall by way of memeable pang-iinis. Payo ko, kung ayaw ninyo sa politikong ito, don't fall, pipol. Issatrap! The less you organically share, the better. Huwag maging kasangkapan. Huwag magpagamit. As much as possible, do not comment, as it will increase visibility sa newsfeed. Do not share kahit pa lagyan ninyo ng caption na pang-aasar. Again, lulutang lang kasi sa newsfeed organically. Nakalibre na, may tsansang pang matandaan hanggang halalan. Madala na sana tayo.

Ang ibig ko lang naman sabihin, hindi pwede kung hindi man napakahirap planuhin kung ano ang magtre-trending nang libre. Operative term is “nang libre.” Hindi bayad ang pagkalat sa newsfeed at hindi rin bayad ang mga nagpapakalat na trolls. 

Sa huli, pwede naman tayong manawagang i-share o i-like ang isang social media material. Pero hindi makakaseguro kung magtre-trending ito, unless talagang sobrang init na usapin and unless you, inspite being a non-celebrity, have millions of organic followers. Iyong talagang nagfa-follow. Dahil marami tayong alam na may milyong followers pero napakababa ng interaction sa kanilang mga posts. Kaya bihira ang non-celebrity na may organic, truly organic, at truly following followers lalo sa non-political at non-troll friendly kind.

Pero hindi ko talaga alam kung ano ang napapala natin sa panawagang mag-trending by way of hashtag. Oo, mapag-uusapan, pero simbilis din namang maglaho sa guni-guni ng marami ang trending topic kung hindi sustained. Minsan nga, nare-relegate na lang sa pagiging novelty ang legitimate issue dahil sa panawagang mag-trending. Meaning, okay, trending ngayon pero bukas nakalimutan na natin. Dahil sa dami ng dapat nating tandaan, hindi ko alam kung bakit parang ang bilis nating makalimot. Ipinauubaya na lamang sa memory ng gadget at internet ang lahat ng alaala, baka pati nga collective memory ng bansang ito. Kaya ang daming nagsasamantalang bumura o baguhin ang kasaysayan. Parang kay bilis kasi nating makalimot. Pero alam kong ibang usapin ito na baka kailangan ng panibagong espayo sa ibang araw kung hindi ko makakalimutan. – Rappler.com

Nagtuturo ng seminar in new media, pop culture, research, at creative writing sa Faculty of Arts and Letters, College of Education, at sa Graduate School ng University of Santo Tomas si Joselito D. De Los Reyes, Ph.D. Siya rin ang program coordinator ng BA Creative Writing program ng nasabing unibersidad. Recipient siya ng 2020 Philippine Normal University Gawad Sulo for Eminent Alumni in the Field of Teacher Education.