KWF panawagan para sa bagong nobelang young adult

Rappler.com

This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.

KWF panawagan para sa bagong nobelang young adult
Ang manunulat ng mapipiling nobelang young adult ay mabibigyan ng PHP100,000 na grant

Ito ay isang press release mula sa Komisyon sa Wikang Filipino.

Ang Komisyon sa Wikang Fiipino ay magpaparangal ng P100,000 na grant para sa mga mapipiling bagong nobela para sa mga young adult (mga estudyante sa hay-iskul) na nakasulat sa wikang Filipino.

Paano sumali?

Magsumite ng:

  • Dalawa hanggang tatlong (2-3) pahinang konseptong papel o abstrak o buod ng nobela.
  • Dagdag na kahilingan: halimbawang dalawang kabanata para sa nobela.
  • Ilakip ang isang komprehensibong resume na may 2×2 retrato.

 

Ipadala ang mga dokumento sa komisyonsawika@gmail.com hanggang sa Oktubre 19, 2019.

Kapag napili ang inyong panukalang akda, kinakailangang maisumite ang buong nobela hanggang Oktubre 31, 2019.

Kinakailangang may 100 hanggang 150 pahina ang haba ng nobela na nasa papel na may sukat na A4 at may mardyin na 1” sa bawat gilid at single space, at may font na Arial o Times New Roman, size 12. – Rappler.com

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.

Summarize this article with AI

How does this make you feel?

Loading
Download the Rappler App!