PANOORIN: Pag-awit ni Dong Abay ng ‘Tatang’ ni Joey Ayala

Rappler.com

This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.

PANOORIN: Pag-awit ni Dong Abay ng ‘Tatang’ ni Joey Ayala
Para sa Buwan ng Wika, inawit ni Dong Abay ang isang kantang isinulat ni Joey Ayala

Unang sumikat ang musiko at makatang si Dong Abay bilang bokalista ng bandang Yano noong dekada ’90. 

Bukod sa kanyang musika, nakilala rin si Dong sa kanyang kampanya para sa kalikasan.

Noong 2012, itinali ni Dong ang kanyang sarili sa isang puno sa Baguio City bilang protesta sa plano ng isang mall na putulin ang mga puno para magbigay-daan sa pinalalawak na parking lot.

Ngayong Buwan ng Wika, inimbitahan ng Rappler si Dong Abay upang awiting ang “Tatang” ni Joey Ayala.

Iniaalay niya ang kanta sa kanyang lolong pumanaw kamakailan. – Rappler.com

Tatang
ni Joey Ayala

Si Tatang ay bayani ng nakaraang digmaang pandaigdig
Kanang paa’y inalay sa bayan
Sabi nila siya’y ulyanin na at di na makapagsalita
Sa wari ko, siya’y nagpapanggap lamang, nagmamaang-maangan
Bandilang kupas ay isinabit sa dingding ng silid
Tanda ng sugat na kailan pa ma’y di magmamanhid
Marahil madalas ninyong magunita ang buhay ninyo noon
Ang hirap at pagtitiis ng gerilya
Umaalingawngaw sa isipan ninyo ang sigaw ng kapwa sundalo
Ilang buhay ba ang nakitil sa paglalaban, di mabilang
Sa sagupaan kayo’y naghasik ng dugo
upang ang kapayapaa’y sumibol at tumubo
Sa lupa, sa puso

Tatang, Tatang
alam kong alam ninyo
bihag pa rin ang lupang diniligan ng dugo
Ang kapayapaa’y nakatanim na sa puso
ngunit ang kalaban ay naririyan pa

Tatang, Tatang
alam kong alam ninyo
di sapat ang libu-libong baril at hukbo
Patuloy ang digmaan, iba lang ang anyo
Ang kalaban ay naririyan pa

Ang kalaban ay naririyan pa
Ang kalaban ay naririyan pa
Ang kalaban ay naririyan pa

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.

Summarize this article with AI

How does this make you feel?

Loading
Download the Rappler App!