#SHEro: Ate kong maganda, isang butihing guro

Carmelita Panganiban
Isang tula ng paggunita sa isang mabuting kapatid at guro

This is a poetry submission for MovePH’s and Dakila’s ongoing #SHEro campaign: 

Bilang paggunita sa Buwan ng Kababaihan, ninais kong bigyan ng simpleng tribute ang namayapa kong ate. Isang simple at mabuting tao na biktima ng isang trahedya na hanggang ngayon ay masakit alalahanin. Isa itong paggunita sa pagmamahalan ng isang pamilya:

Ate kong maganda
(isang butihing guro)
 

Ang ate kong maganda
Puspos ng lungkot at dusa
Pero wala kang mapupuna
Ni ga hibla mang problema


Ang ate kong maganda, nakangiti sa tuwina
Ulirang asawa at ina sa mahal niyang pamilya
At kung sa sipag at tyaga
Siya ay walang kapara.


Mag isa niyang sinuong, 
Ang buhay niyang puno ng paghamon
Problema’y di niya inalintana
Hanggang sa huli’y kanyang kinaya.

 

Siya ay lubos na pinagpala ng Diyos
Dahil sa kabaitan nyang lubos
Kaya naman luha nami’y di maubos ubos
Sa bigla niyang pagkawala na hindi namin matalos.

 

Buhay mo’y di na maibabalik
Ng taong kumitil sa iyong mga ngiti
Lahat kami’y namighati
Sa iyong pagpanaw na ubod ng dali

 

Dakilang asawa, dakilang ina
Ulirang anak, mapagpalang kapatid 
Sa ate kong maganda ang gusto kong iparating
Sa araw na eto ng mga kababaihan 
Isang matinding saludo sa iyong kabayahihan!!!

 

Ang ate kong maganda
Idolo sa bait at saya
Mahal na mahal ka ng ating pamilya
At pagpalain ka sa kalangitan
Kapiling ng mga banal na makapangyarihan

– Rappler.com

Si Carmelita Panganiban ay isang OFW na nakatira sa Dubai.

Who is your #SHEro and what have you learned from her? Send stories and poetry about your #SHEro to move.ph@rappler.com. You can also send us photos and artworks. Let’s celebrate women, let’s celebrate gender equality.