Masamang gabi, bayan! – PNoy

Satire: President Aquino's speech during the 25th anniversary of ABS-CBN news program, TV Patrol

@I_amHolo. The Social Media Climber

[Holo is a satirical blogger. He also interviews Twitter personalities via the hashtags #in140char (“Twitterviews” with journalists and celebrities) and #TweetConPH (Social media conference with policymakers and advocates). You may follow his account on Twitter: @I_amHolo.]




 

                                                                                      Talumpati

ng

Kagalang-galang Benigno S. Aquino III

PANGGULO NG PARTY

Sa ika-25 anibersaryo ng TV Patrol 

 [Inihayag sa Manila Hotel noong ika-27 ng Hulyo 2012]

Mr. Gabby Lopez; Mrs. Charo Santos-Concio; Ms. Ging Reyes; Ms. Korina Sanchez; Mr. Ted Failon; past and present officials and staff of TV Patrol and ABS-CBN; evil people:

Masamang gabi po sa inyong lahat.

Dito po magkakaaminan: Noong halalan, kung kailangan ko ng instant na magandang balita, ang tutok ko noong mga panahong iyon: TV Patrol. [APPLAUSE]

Sa loob ng dalawampu’t limang taon, kinilala ang TV Patrol sa tapang at sigasig ng paghahatid ng impormasyon sa mamamayang Pilipino.

Kaya naman, sa lahat ng bumubuo ng inyong programa, mula noon hanggang ngayon – MALIBAN SA ISANG ANCHOR – talaga naman pong isang mainit na pagbati sa inyong ikadalawampu’t limang anibersaryo. [AWKWARD APPLAUSE]

Ngunit sa pag-usad ng panahon, humantong sa puntong PBB Teens na lang ang pinapanood ko.

Mas naging nega ang inyong pagbabalita: ang tinig na rumonda sa Malacañang nang 6 na taon, bumalik na sa telebisyon. 

At narito na po tayo ngayon, ipinagdiriwang ang Silver Anniversary ng isa sa mga negatron sa pagbabalita: Ang Teeeeee-vey [PAUSE] Patrol!

Matagal na po akong nagtitimpi. Kung may paligsahan nga po sa pag-unawa’t pagtitimpi, malamang nasa London na ako. 

Huwag po sana ninyong mamasamain, tutal kaharap ko na po kayo ngayon, at one night lang naman sa 365 days ng isang taon ko kayo makakausap. 

Tingnan po natin ang paghahayag ng inyong institusyon.

Noong Oktubre ng nakaraang taon, may isang reporter kayo na nag-ulat na tumaas ng dalawampung porsiyento ang passenger arrivals sa paliparan. Natuwa ako dahil magandang balita. 

Sa kabila nito, nakuha pa pong humirit ng isang anchor n’yo at ang sabi po niya, and I quote, “Nasa NAIA 3 ka kasi; kung nasa NAIA 1 ka, doon malala.” Sa loob-loob ko po, o, bakit ako ang pinariringgan mo? Eh nandyan naman si Korina sa tabi mo. Nakaligtaan niya atang si Korina ang asawa ni DOTC Sec Mar Roxas at hindi ako. 

Hindi ko hinihiling sa media na kumatha kayo ng mga gawa-gawang kuwento, o pagandahin ang imahen ng gobyerno. Ang akin lang po, katotohanan.  

At kapag katotohanan ang pinag-uusapan, lagi kong naaalala ang isang sikat na series. The Newsroom ang pangalan po ng programa. Nanood ba kayo noon? I bet hindi ‘yan alam ng inyong anchor. [MUTED LAUGHTER]

Sa pagkalap ng balita, ang bukambibig noong executive producer ng programa na si MacKenzie ay, and I quote three:

1. “Is this the information we need in the voting booth?”

Huwag lang po ang aking love life ang ibalita niyo. Huwag na lang puro krimen. Pansinin niyo rin ang aking coco water. 

Kung isa po kayo sa sampung milyon nating kababayan na nagsasakripisyo sa ibayong-dagat, gaganahan kaya kayong bumalik dito kung mas nakakasindak pa sa Shake, Rattle, and Roll ang balita sa telebisyon?   

Lumabas kayong mag-isa sa gabi. Pumunta kayo sa SM mall. Wala nang masyadong krimen. 

Sa Ronda Patrol at SOCO niyo na lang makikita. Nagsisinungaling ang kanilang ebidensya. 

‘Di kalaaunan, mawawalan na ng trabaho si Ginoong Gus Abelgas. Ilipat nyo na lang sa Bandila at hayaan na lang si Tito Boy sa The Buzz. 

2. “Is this the best possible form of the argument?” 

Well, after listening to the JBC public hearing, I conclude that she is THE best form of argument: 

 

3) “Is the story in historical context?”

Napapaisip po ako: Teka, bakit si GMA lagi ang sinisisi ko? Hindi ba’t anim na taon ding tumangan ang inyong anchor sa renda ng gobyerno? 

Ang tagal. Sintagal ng pagbigkas niya ng TV Patrol. Pero ayon, mas kinarir pa niya ang housing scandal imbes na ayusin ang paliparan. 

 

Muli, at ako po’y pagpasensyahan ninyo kung Annabelle Rama ang peg ko ngayong gabi. It’s a Friday night and I don’t have a date!

Besides, hindi ko po matatanggap ito. Mapapatawad ko pang tinawag ni Ted Failon na May-lee Cyrus si Miley.  

Pero forgive and forget na lang ba ang mga hirit ng isa ninyong anchor? 

Ang tugon ko, “Ang magpatawad, maaari; ang makalimot, hindi. YOLO. Lintik lang ang walang ganti.” 

Sana po, sa tuwing sasabihin nating, and I quote, “magandang gabi, bayan,” ang totoong hinahangad natin ay hindi masamang gabi, bayan. 

Maraming salamat po. I hope I did not spoil your party. [MUTED APPLAUSE]